Pinagkakaguluhang sitwasyon ng kambal, dahil daw sa swerte

Pinagkakaguluhang sitwasyon ng kambal, dahil daw sa swerte


Mula sa Tiboli, South Cotabato may bagong silang na kambal ang pinagkakaguluhan dahil sa sitwasyon nito. Ito nga ba ay dahil sa swerte?

Nag-viral sa social media ang facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Dahil sa kakaibang sitwasyon ni baby Ricky Boy dahil ipinanganak itong may kakambal ngunit nakadikit sa kanyang mismong katawan.

Source: uploader Arlita Denial


Ayun sa ina ng bata na si Angie ay nagulat sya nang lumabas ang bata dahil may dalawang binti na dalawang talampakan at dalawang kamay na nakadikit sa katawan ng sanggol. Dagdag pa niya ay wala naman daw naging problema noong pinagbubuntis pa lang niya ang bata.

At may lahi din naman silang may kambal. Hirap kumilos at malakas dumede ang bata. Habang lumalaki ang bata ay lumalaki din daw ang kakambal nito.

Nasa lima o sampung katao daw ang araw-araw na bumibisita sa kanila upang makita ang bata dahil sa paniniwala nilang swerte daw ito. Pero ayun sa ama ng bata ay hirap pa rin sila sa buhay. Tanging pagbebente ng saging at sayote ang ikinabubuhay nila. 

Source: uploader Arlita Denial

Ayun sa eksperto ay tinatawag na Parasitic Twin ang sitwasyon ni baby Ricky Boy. Isang variety ng twin na hindi naging buo.

Kaya ito tinatawag na parasitic dahil wala itong sariling buhay at nakadepende lang iyon sa kinakapitan niya. Isa sa bawat isang milyong isinilang na sanggol ay nagkakaroon ng ganoong kalagayan.

Maaari naman daw itong operahan ngunit nangangailangan ng malaking halaga na aabot sa 100 thousand pesos. 

Source: uploader Arlita Denial


Dinayo ng KMJS team ang nasabing sanggol . Dinala nila ang pamilya sa ospital. Agad naman napansin ng doctor ang pamamaga ng pusod at may discharging pang nangyayari.

Nagbigay naman ng tulong pinansyal ang KMJS Team.

May grupo din ng riders ang nag-abot ng tulong. Bumisita din ang Municipal Social Welfare Development at nagbigay ng tulong gaya ng mga kagamitan ng bata at pangangailangan ng pamilya. Ayun naman sa LGU ng lugar ay sasagutin nila ang gastos sa ospital.