DATING OFW NOON, MILYONARYA NA NGAYON

DATING OFW NOON, MILYONARYA NA NGAYON

Mula sa Besao, Mountain Province, may isang babae na nagtitinda ng asin upang mabuhay ang pamilya. Sa maagang edad na 16 ay nabuntis at nag-asawa na si Daisy Bucad-eng.

Dahil sa hirap ng buhay ay ginaya nya ang mga kababayan na nangibang-bansa. Ngunit hindi naging madali ang karanasan ni Daisy sa una niyang amo.

Nasa dalawa o tatlong oras lang daw siya nitong pinapagpahinga bilang isang kasambahay sa Hong Kong. 

Ngunit noong lumipat siya ng amo ay tinuring niyang maswerte sya dito kahit nasa 900 hk dollar lamang ang sahod niya katumbas nito ay 2,700 pesos buwan-buwan.

Source: GMA News

Itinuring sya nitong kapamilya. Ang bago niyang amo na isang Portuguese na si Marie ay ayaw manirahan sa Home for the Aged sa Hong Kong kaya sumama ito kay Daisy pabalik ng Pilipinas.

Umabot sa 11 taon na nagsilbi si Daisy kay Marie. Pero noong 2002 ay namayapa ito dahil sa sakit habang nasa Pilipinas. Kinuha ng kaanak ni Marie ang labi nito pabalik sa Hong Kong. 

Source: GMA News


Ngunit isang araw ay nakatanggap ng liham si Daisy mula sa pamilya ni Marie. Ayun sa liham, kasama si Daisy sa Last will and Testament ni Marie.

Lubos niya itong ikinagulat at hindi makapaniwala. Dahil isang apartment building ang milyon-milyon na stocks ang pinamana ni Marie kay Daisy. 

Ang dating nagtitinda ng asin ay isa ng ganap na milyonarya. Nakapagpatayo siya ng 5 storey building kong saan nandoon ang penthouse niya.

Ang Jewel-Igorot building niya ay nakapaloob ang mga produkto ng probinsya kong saan sya galing. Punong-puno din ito ng halaman.

Source: GMA News

Tumatanggap din sya ng mga events sa kanyang building. Bukod pa doon ay may malaking lupain din sya. At isa sa mga iyon ay ang plantasyon ng mangga. 


Tunay nga na may kapalit ang hirap sa buhay kong tayo ay magsusumikap at gawing tama ang ating trabaho.