OFW SINURPRESA ANG INA NG REGALONG 400K PESOS

OFW SINURPRESA ANG INA NG REGALONG 400K PESOS

Ang pagbibigay ng regalo ay isang paraan upang maipakita natin ang pagmamahal at pagpapahalaga natin sa isang tao. Ito nga ay materyal na paraan pero aminin natin mas maging masaya tayo na makapagbigay at hindi lang sa salita ang pagsasabing mahal natin ang isang tao.

Iyon marahil ang pangarap ng mga taong nagmamahal na mas maipadama pa sa tao ang ating nararamdaman. At wala na yatang mas maligaya pa sa anak kong siya ay makapagbigay sa kanyang magulang. 

Naging viral ang post ng isang gift service nang ibahagi nila ang isang bouquet ng salapi at tsokolate.

Nagkakahalaga lang naman ng 400 thousand pesos ang salaping panregalo ng isang anak na babae para sa kanyang katanging tanging ina. Isang ofw ang babae na nais paligayahin ang kanyang ina. Mula ito sa isang taon na pinag ipunan ng ofw.

Napapa “sana all” na lamang ang mga netizen sa hangarin na sila din ay mabigyan o makapagbigay ng ganoong regalo sa kanilang ina. 

Source: Gift4EveryJuan

Para sa seguridad ay hindi pinaaalam ng ofw ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Tumugon naman ang gift service sa hiling ng babae. Subalit hindi pa rin maitago na nakakainggit naman ang ginawa ng anak para sa kanyang ina. 

Source: Gift4EveryJuan


Kong tutuusin ay walang katumbas na halaga ang pagmamahal at pag aaruga sa atin ng ating ina. Kumbaga unconditional love ang binigay nila sa atin. Sa katunayan sila ang ating unang takbuhan sa lahat ng uri ng problema. Dahil ang ina ay walang sukat ang pag-intindi sa anak. May ilan pa nga na kalalakihan na astig kong umasta pero bahag ang buntot pag dating sa ina. 

Source: Gift4EveryJuan

Isang magandang ehemplo ang ofw sa ating lahat. Sa kabila ng nostalgic situation nila sa ibang bansa ay nagtiis sila upang mabigyan ng magandang buhay ang naiwan nila sa Pilipinas.