Ryan Agoncillio ibinahagi ang pag adopt ni Judy Ann kay Yohan

Ryan Agoncillio ibinahagi ang pag adopt ni Judy Ann kay Yohan

Ilang taon na rin ang pagiging main stay host ni Ryan Agoncillio sa the longest noontime show ng bansa ang Eat Bulaga. 

Sa segment na “Bawal Judgmental” ay naikwento ni Ryan Agoncillio ang pag-adopt ni Judy Ann kay Yohan.

Sa edad na 26 ay gusto na ni Judy Ann na magkaroon ng baby kaya nag-file siya ng adoption papers para kay Yohan at na approved makalipas ang apat na taon.

Sa umpisa daw kasi ay hindi pwedeng mag ampon si Judy Ann dahil sa due process kong saan ang mommy Carol nya dapat una mag-file ng adoption sana. 

Source: filipinotimes.net


Noong 2009 ikinasal sina Ryan at Judy Ann at apat na taon mula noon ay tsaka pa lamang napalitan ang apelyido ni Yohan na Santos at naging Agoncillio.

Masayang inalala ni Ryan noong unang beses siyang tinawag na “daddy” ni Yohan. Nakita daw ni Yohan sa magazine ang parents niya at itinuro niya ang dalawa at tinawag na mommy at daddy. 

Nakapagtapos na ng junior high school si Yohan at noong November 7 ang kanyang 16th birthday. Hindi naman daw nilihim ni Juday simula noon pa na isang ampon si Yohan.

At wala rin siyang balak na ipagkait na makita ang biological parents nito. Lalo pa ngayon na lumalaki na si Yohan at nagiging curious na sa pinanggalingan niya. 

Source: news.abs-cbn.com


Sa panahon nang pag-aampon ni Juday kay Yohan ay magbarkada pa sila ni Ryan noon.

At nung unang beses nahawakan ni Juday ang bata ay nagtext siya kay Ryan ng, “I’m going to be a mommy”.

May tatlong anak na ngayon ang real life couple. Sina Johanna Louis o Yohan, Juan Luis o Lucho at Juana Luisa o Luna. 

Source: whosdatedwho.com 

Matatandaan na unang nagsama sa telebisyon sina Juday at Ryan sa teleserye ng Dos na “Krystala” noong 2004.