Ang nakakalulang yaman ng isang Pop star, Sarah Geronimo

Ang nakakalulang yaman ng isang Pop star, Sarah Geronimo

Sa murang edad ay nasa showbiz na ang isang Sarah Geronimo. Nakasama siya sa isa sa pinakasikat na pelikula ng bansa ang pinoy adaptation na “Sarah ang Munting Prinsesa” (1992) na pinagbibidahan ni Camille Prats.

Subalit nag-umpisang namayagpag ang karera ni Sarah Geronimo makalipas ang sampung taon nang nagwagi ito sa “Star for a Night” nagwagi ng 1million at kontrata sa Viva Entertainment.

Simula noon ay hindi na napigilan ang pag-angat ni Sarah lalo pa noong pumasok siya sa ABS-CBN, naging host ng ASAP at nagkaroon ng tv shows at mga pelikula sa ilalim ng Star Cinema at Viva Films. 

Source: news.abs-cbn.com

Ang pagiging singer ang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay. Umani ng kaliwa’t kanan na parangal at malalaking record sales. Naging endorser din si Sarah ng mga produktong: pawnshop, toothpaste, gamot, bangko, pabango, make-up at delivery app na Grab. Bukod sa milyon-milyong kinita niya sa showbiz ay nakapagpundar si Sarah ng mga lupain. Isa na nga rito ang usap-usapan na malaking farm nila sa Tanay, Rizal na solar powered. May organic plantation din si Sarah at castland kong saan doon nanggaling ang mga binebentang nila na mga prutas, livestock at poultry products. 

Source: philstar.com


Naitayo din ni Sarah ang Geronimo’s Cafe and Restaurant sa Quezon City at sa tapat naman nito ay ang kanilang merchandise shop. Nagkaroon na din ng cosmetic line ang popstar na tinawag na Pop Studio. Ayun sa Bureau of Internal Revenue ay isa si Sarah sa top tax payer ng bansa na may estimated net worth na 500milyon hanggang 2 Bilyon pesos. 

Source: philstar.com 

Usap-usapan din ang paglipat niya sa TV5 kong saan may gagawin itong talent show. Naglabas nga ng artcard ang TV5 na kasama nga dito si Sarah. Ang talent show ay maglalayon na makabuo ng pinakamalaking boyband sa bansa.