Dimples Romana hinangaan ng netizens sa bagong pangangatawan

Dimples Romana hinangaan ng netizens sa bagong pangangatawan

“Napaka-imposible lalo na kung kilala mo ako as a person. Sobrang lampa ako, sobrang takot ako at tsaka nahihiya akong mag-exercise lalo na pag maraming tao”. – Dimples Romana

Isa ngayon ang actress na si Dimples Romana ang sikat sa mga teleserye ng Kapamilya Network. Labis-labis ang pagkatuwa at pagka-inis ng mga tao sa kanya bilang Daniela Mondragon ng “Kadenang Ginto”.

Subalit mas hinangaan ngayon ang actress sa kanyang fit na pangangatawan.

Ayun sa actress ay hindi lang ang pagiging fit ang goal niya kundi pati na rin ang maging healthy lalo na sa panahon ngayon.

Agaw pansin ang kanyang flat tummy suot ang white croptop sa kanyang instagram post. Na agad naman pinag-usapan ng kanyang mga fans kaya naman ay ibinahagi niya ang kanyang fitness journey.

Source: dailyfilipinonews.com

Pero noong una ay nahihiya sya na mag-exercise kaya naman ay kinuha niya ang kanyang kaibigan na si Eds Sobrevinas na isang fitness instructor.

Ang ginawa nila ay isang group exercise kong saan marami kayo na nag eehersisyo na may coach at musika. At dahil diyan natatanggal ang hiya mo dahil marami kayo.

Bagay na bagay naman ito sa actress dahil aminado siya na mahiyain siya pagdating sa bagay na iyan. 

Source: cosmo.ph

Malaking factor din ang suporta ng kanyang pamilya at dahil doon ay sa loob lang ng ilang buwan ay makikita na ang napakalaking pagbabago sa katawan ni Dimples. 

Source: pep.ph

Sa katunayan ay nag-umpisa sa showbiz si Dimples bilang child star. Kadalasan din sa mga roles niya ay supporting at ang mga tinatawag na “mean girls” sa pelikula at telebisyon.

Kasama dati si Dimples sa “Ang TV” at “Keybol” ng ABS-CBN. Laking ABS-CBN nga itong si Dimples gaya ng mga ilan sa kasabayan niya na sina Nikki Valdez, Kaye Abad at Desiree del Valle. Hanggang sa nabigyan na nga ito ng malalaking role sa tv at pelikula.