LOLO, TINIIS ANG HIRAP PARA SA MODULE NG KANYANG APO

LOLO, TINIIS ANG HIRAP PARA SA MODULE NG KANYANG APO

Hindi na bago sa panahon ngayon ang mga nababalitaan natin na paghihirap ng ilan sa mga kababayan natin pagdating sa new normal scheme sa pag-aaral ng ating mga kabataan.

Dahil nga sa pandemyang kinahaharap natin ay nasaalang-alang naman ang pag-aaral ng mga estudyante. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa naibalik ang face to face sa mga paaralan. 

📸 – Jorge Tejada

Isa na sa mga naghihirap ay ang kalagayan ng isang lolo at ng kanyang mga apo. Mula sa post ni teacher Jorge Tejada ay ibinahagi niya ang larawan ng mag-lolo habang pinapayongan ang apo sa ginagawang modular study nito. Kinailangan pa kasi na tumahak ng 30 minutos ang mag-lolo mula sa kanilang bahay upang makasagap ng maayos na signal. 

📸 – Jorge Tejada

Nasa 71 anyos na si lolo Arnulfo Teves at 12 anyos naman ang apo niyang si Daniel na nasa grade 7 na. Napag-alaman din ng guro na si lolo at ang kanyang asawa pala ang bumubuhay sa anak niyang may kapansanan at sa tatlo nitong apo. Pilit pinagkakasya nila ang 5,300 na pensyon buwan-buwan. Humingi naman ng pahintulot ang guro na maipost ang larawan nila. At umaasa si lolo Arnulfo na mabigyang pansin ang dinaranas nila. 

📸 – Jorge Tejada


Sadyang nakakalungkot ang mga ganitong kwento subalit nakakamangha pa rin dahil sa diskarteng ginagawa ng ating mga kababayan mairaos lang ang hirap kahit sa araw-araw man nila ito nararanasan. Sa sitwasyon ngayon ang labis na nahihirapan ay ang mga tao na nasa liblib na lugar nakatira. Kahit sa signal ay naghihikahos ang ating bansa. Maswerte na lamang ang nasa syudad nakatira at kahit papaano ay sa loob lang ng bahay ay nakakagawa ng aralin. 

Sana tuluyan na talagang mabigyan ng tuldok ang kahirapan sa signal ng mga telecommunication company para doon sa mga kapwa pilipino natin na nasa malalayong lugar.