HEART EVANGELISTA, MAGBIBIGAY NG 50K PESOS AS A REWARD SA MAKAKAHANAP NG KANYANG ASO

HEART EVANGELISTA, MAGBIBIGAY NG 50K PESOS AS A REWARD SA MAKAKAHANAP NG KANYANG ASO

“Sana matulungan nyo kami, baka nasa Edsa sya. He is very afraid of people. Baka nagtatago sa mga bridge, last seen Dasma Village around Alpha land, pls refer to my other post for contact details.” – Heart Evangelista. 

Hindi maikakaila na marami sa atin ang mahilig sa mga aso. Parang anak na nga itong ituring ng iba. Labis din ang paghihinagpis ng amo kapag namatayan siya ng alaga.

Na parang kapamilya na niya ito. At isa na rito ang actress na si Heart Evangelista na kasalukuyang nawawala ang kanyang alagang aso. 

Source: balita.net.ph

Kamakailan lamang nag-post ang actress at first lady ng Sorsogon na si Heart Evangelista sa kanyang twitter account  noong November 3, 2021. Nawawala kasi ang kanyang aspin panda breed na aso noong October 30, 2021. Sa araw na iyon ay nasa 10k ang magiging pabuya sa makakahanap ng aso niya ngunit sa araw din na iyon ay itinaas niya sa 50k ang reward. 

Isang socialite at fashion icon si Heart at kilala din itong dog lover. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganun kalaki ang pabuya sa makakahanap ng kanyang alagang aso. Maraming netizen naman ang nakisimpatya sa actress lalo na ang mga animal lover din. 

Source: cosmo.ph

Bukod pa sa mga aso ay may mga pusa rin na inaalagaan si Heart. Kaya ramdam ng netizen ang pangungulila ni Heart sa kanyang alaga. 

Ang aso ay tinaguriang man’s bestfriend at kilala din itong ipagtatanggol talaga ang kanyang taga-alaga sa kahit anumang panganib. Sa sitwasyon ni Heart na wala pang anak ay talagang naibubuhos nito ang oras sa kanyang mga alaga. Open rin si Heart sa pagiging mapagmahal sa mga aso. Dati ay nabalita na balak pa niyang isama sa Paris ang isa nitong alaga. 

Source: pilipinastrending.com

Nakasaad din sa poster ng lost dog na si Luka ang contact number 09188882140.