JaDine hindi pa yata kayang bitiwan ng fans. Bagong meme went viral

JaDine hindi pa yata kayang bitiwan ng fans. Bagong meme went viral

“Huwag ng magalit james, parating na si Nadine, binabayaran na lang yung Mang Tomas.” 

“Yung namroblema ka kasi ang Mang Tomas andun sa ex mo.” 

Ilan lang yan sa pinagkakatuwaang meme ng JaDine (James Reid and Nadine Lustre). Naging viral ang dalawang larawan ng dating magka-love team at real life couple.

Kong saan sa larawan ni James na katabi ang lechon na tila may hinihintay ang aktor.

At sa larawan naman ni Nadine na kuha pa sa Siargao ay kasalukuyan itong nasa counter at binabayaran ang sauce na Mang Tomas. 

Source: peoplaid.com

Noong November 2019 ay binalita ang hiwalayan ng dalawa mula sa relasyon nila noong February 2016.

Sa interview ng Tonight with Boy Abunda ay sinabi ni James na kaya sila naghiwalay para sa pag-unlad ng bawat isa at magawa ang anumang achievements na gugustuhin nila.

Maraming JaDine fans ang nalungkot at nabigla sa baliya. 

Makalipas ang halos isang taon ay nababalita rin ang rumored partners ng dalawa.

Si Jolianne Salvado isang artist sa ilalim ng music label ni James ang Reid Entertainment ay pinag-uusapan na bagong girlfriend daw ng aktor.

At sa kabilang banda naman ay ang pangalang Christopher Bariou isang filipino-french businessman kong saan may-ari itong resort sa Siargao at kong saan din spotted si Nadine sa isla kasama ang rumored boyfriend. 

Source: Nadine Lustre facebook

Nag-umpisang mag-tandem ang dalawa noong 2014. Si Nadine ay nagmula sa girl group na Pop Girls ng Viva Entertainment. May mga shows rin ito dati sa GMA at TV5.

Habang si James naman ay nagmula sa PBB housemate at nag-click ang loveteam nila ni Nadine. Nagkaroon din sila ng mga pelikula gaya ng “Diary ng Panget The Movie” at teleserye na “On the Wings of Love” ng ABS-CBN. 

Source: cosmo.ph

Gaya nga ng sinasabi na walang forever ay natutuwa na lamang ang mga fans sa mga meme ng dalawa. Ngunit may iilan pa rin na muling magkabalikan ang dalawa.