VICE GANDA, BUMANAT SA MGA BA SHERS

VICE GANDA, BUMANAT SA MGA BA SHERS


“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati? May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay nyo? Pamilya nyo? Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achievements? And yumaman ba kayo? Ha’ hindi?” –
Vice Ganda

Tila napuno na ang unkabogable Vice Ganda. Kaya muli itong nag-viral dahil sa mga patutsada niya sa kanyang mga bashers.

Ipinamumukha ni Vice ang pagiging angat niya sa  mga bashers, na simula pa noon ay nakabuntot sa kanya. Umani ng iba’t-ibang komento sa social media ang mga sinabi ni Vice. May mga kumampi at meron din naman komontra. 

Source: entertainment. inquirer.net

May mga nagsabi na tama lang naman ang ginawa ni Vice na supalpalin niya ang mga bashers kung saan ay sobra kung makalait sa komedyante. Naging isyu pa ang pagbigay ni Vice ng pera sa isang fan. Sa yaman daw ni Vice eh bakit 20k lang binigay? Subalit kahit noon pa man ay palaban na talaga si Vice sa mga umaatake sa kanya. 

May mga nagkomento rin na mas yumabang daw si Vice. Di na raw nito kailangan magsalita ng ganun sa mga bashers. Dahil sa pinili nyang larangan ay sentro talaga ito ng pangba-bash. 

Source: philnews.ph

Matagal na rin sa showbiz si Vice ngunit sumikat ito sa kanyang sarcastic comedy style. At mas nakilala pa si Vice nang naging hurado sya sa It’s Showtime.

At naging regular host. Dito na nagsimula ang pag-angat ng kanyang showbiz career.

Blockbuster movies at sold out concerts ang naging trademark na ni Vice. Hindi talaga maipagkakaila ang kasikatan ni Vice dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa. Bukas din sa madla ang kanyang love life na madalas gawing biruan sa kanyang noontime show. 

Source: tvtropes.org

Marami man ang natutuwa sa kanya ay marami din ang ayaw sa istilo niya. Upang makapagpatawa ay nananakit o nilalait ang isang tao at gawing katatawanan.

Isa na nga dito ang veteran broadcaster na si Jessica Soho nang minsa’y gawing biro ni Vice ang broadcaster sa concert niya sa Araneta Coliseum. 

Gayunpaman, ay patuloy pa rin sa pagsikat ang komedyante. At pinatunayan niya ang bansag sa kanya bilang The Unkabogable Vice Ganda!