MARIAN RIVERA,  BILANG JUDGE NG MISS UNIVERSE

MARIAN RIVERA, BILANG JUDGE NG MISS UNIVERSE


“Aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino. At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina. At ang masasabi ko lang, kilala n’yo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba?

So, ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan.” -Marian Rivera

Isa sa mga prestihiyosong pageant ay ang Miss U. At talagang inaabangan ito ng buong mundo. Hindi lang ang mga kalahok ang inaabangan kundi pati na rin ang mga binabatong tanong ng mga hurado at ang mga hurado mismo ay hindi rin nakakaligtas sa mata ng netizen. 

Source:  pep.ph

May mga netizen nga ang nagulat sa balitang isa si Marian Rivera – Dantes na kinuha siya bilang isa mga hurado ng Miss Universe na gaganapin sa Israel. Kung sa hitsura at career ay wala na yatang maipipintas ang mga tao kay Marian. Isa si Marian sa mga pinakasikat na artista ng GMA. Subalit alam rin ng lahat at aminado mismo si Marian na hindi siya fluent sa wikang english. Kong saan ang wikang ito ay pangunahing ginagamit sa Miss U.

Source: mb.ph


Kilala rin ang bansang Pilipinas bilang the only english speaking region ng southeast asia. Kaya expected na ng mundo na gagamit ng english ang sinumang kalahok o hurado na mula sa bansa. Kaya haka-haka ng ibang netizen kong kakayanin ba ni Marian na magbato ng tanong sa question and answer portion ng pageant.

Source: philstar.com


Nakakatuwa naman ang sagot ni Marian. “So ieexpress ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan” Kong gagamit siya ng wikang Filipino, bakit hindi? Hindi rin naman bago sa Ms U na gumagamit ng sariling wika ang hurado. At hindi kabawasan bilang tao o artista ang hindi marunong mag-english. 

Gaganapin ang 70th Miss Universe pageant sa December 12, 2021. Tiyak na magiging kaabang-abang at nakaka-proud na may isang pinoy na hurado sa Ms U.