JANELLA AT ANG ALAGANG AHAS AT ANG DARNA

JANELLA AT ANG ALAGANG AHAS AT ANG DARNA


Kinagigiliwan ngayon si Janella Salvador ng netizen at kapwa niya celebrity gaya nila Liza Soberano, Louis Andallo at Iza Calzado dahil sa walang takot na nilalaro ang alaga niyang corn snake. Ayon sa actress ay may limang-buwan na ang alaga niyang ahas. 

Sa kanyang instagram post batid talaga na hindi pala takot sa ahas ang actress. Kalimitan kasi sa mga babae ay takot sa ahas.

Kadalasan kasi ay mga aso ang ginagawang pet pero kakaiba itong si Janella. Katulad din kaya sa kanya ang anak niya pag lumaki na ito? 

Source: superjanella/instagram


Kilala si Janella bilang multi-talented actress. Anak siya ng dating Miss Saigon  at actress na si Janine Desiderio. Kaya hindi na nakakapagtaka na magaling din sa larangan ng pag-awit si Janella.

Naging patok din ang tandem nila ni Elmo Magalona at nagkaroon ng teleserye sa Kapamilya network. Nakagawa rin ng maraking serye si Janella sa Dos.

Subalit ikinagulat ng marami ang pagbubuntis nito ngunit hindi naman niya itinago kong saan mas nagustuhan pa sya ng mga netizen sa pagiging totoo nito. 

Source: superjanella/instagram

Ngayon sa pagbabalik ni Janella ay agad naman siya binigyan ng proyekto at sa unang pagkakataon ay bilang kontrabida na si Valentina sa inaabangan na serye ang Darna.

Pinagbibidahan naman ni Jane de Leon. Kong matatandaan ay napakahaba at napakatagal na nitong Darna at hindi pa rin magawa-gawa dahil sa papalit-palit ng bida.

Una na dyan ay si Angel Locsin kalaunan ay tinanggihan ang proyekto dahil sa problema niya sa likod. Sumunod ay si Liza Soberano na sa kalagitnaan ng training ay na injured kaya tumanggi na rin sa proyekto.

At ngayon nga ay kay Jane de Leon na napunta. Imbes na pelikula ay ginawang serye na ang Darna. 

Source: thesummitexpress.com

Tiyak na kaabang-abang na naman ang muling paglipad ng pinay super heroine at mapapanood sa Kapamilya Network.