CRISTY FERMIN, MULING BINANATAN SI JINKEE PACQUIAO DAHIL SA DAMIT PANTULOG

CRISTY FERMIN, MULING BINANATAN SI JINKEE PACQUIAO DAHIL SA DAMIT PANTULOG

“Matulog ka na lang sana agad, huwag mo na ipinagmamalaki pa yang mga suot mo”.

-Cristy Fermin

Sa radio show ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin na mapapanood din sa TV5. Ang Cristy Ferminute na tinatalakay nila ang pagkukumpara ng mga tao kina Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao ay mariing ipinagtanggol ni Cristy ang actress na si Heart.

Kaya namam daw ito nagpapakita ng bonggang kagamitan ay dahil sa tema ng show nito sa GMA na I Left my Heart in Sorsogon kasama si Paolo Contis. Ang istorya ay isang probinsyana galing Sorsogon na nagtagumpay sa Lungsod. 

Source: cristy fermin/facebook

Samantala ay binanatan muli si Jinkee. Asawa ng boxing champion at presidential aspirant na si Manny Pacquiao. Dati kasi ay pinuna ni Cristy ang pagbalandra ng mga mamahaling kagamitan ni Jinkee nang minsay nagpunta ito ng New York.

At ngayon naman ay ang mga kasuotan nitong pantulog. Na ayon sa kolumnista ay hindi na dapat ipagmamalaki pa ang Chanel na tsinelas at Louis Vuitton na pantulog.

Hindi daw dapat ikumpara ang dalawa kasi may show daw si Heart habang si Jinkee naman kahit mini-series ay wala.

Dagdag pa ng kolumnista ay dati naman ay hindi ganyan si Jinkee. Subalit ngayon ay tila ipinagyayabang pa ang kagamitan na kahit mga presyo sa bawat isa nito ay pinopost pa sa social media. 

Source: jinkee pacquiao/facebook


Matatandaan na nagpost ng mga halaman si Jinkee dati at ang ilan sa mga ito ay sobrang laki. Pero ngayon ay nag-iba na ang mga post ng misis ni Manny. At dahil doon ay nayayabangan na si Cristy Fermin sa kanya. 

Source: jinkee pacquiao/facebook


Nagiging trending na nga itong si Nay Cristy sa mga pagpupuna niya sa mga ilang celebrity na tila walang takot na bumibira.

At hindi rin nawawala ang mga netizen na magbigay din ng maaanghang na komento. Pero tila hindi natitinag si Nay Cristy sa pagbibigay komento at paglabas ng saloobin niya sa mga celebrity na sa tingin niya ay mali ang ginagawa.