RELASYONG CHERRY PIE AT EDU, SUPORTADO NG ANAK NI CHERRY PIE

RELASYONG CHERRY PIE AT EDU, SUPORTADO NG ANAK NI CHERRY PIE

“Ou, approve ako, siyempre sinu-support ko yung mom ko. She deserves her own happiness din.” – Nio Tria

Sa panayam ng Kapamilya Chat sa anak ni Cherry Pie Picache na si Nio Tria ay suportado ito sa kasalukuyang relasyon ng kanyang ina sa batikang aktor na si Edu Manzano. 

Nagsimula ang mga espekulasyon na may namuong romantic relationship ang dalawa ng makita ang instagram post ni Cherry Pie habang nakahiga siya sa balikat ni Edu. Nang nasa New York trip sila kasama ang host na si Tim Yap at kasamahang artista na sina Janine Gutierrez at Arci Muñoz. 

Source: inquirer.net


Naging opisyal ang relasyon nila ng makapanayam ng broadcaster na si Cheryl Cosim thru text at naitanong niya kay Edu Manzano kong totoo ba ang mga espekulasyon sa kanila ni Cherry Pie. Agad naman inamin ng aktor ang kanilang relasyon. Mapapanood ang palitan ng text messages sa One Balita. 

Source: inquirer.net

Pareho ang dalawa na may dating nakarelasyon na. Si Cherry Pie ay hiwalay na sa ama ni Nio na si Gary Tria noong 2006. At si Edu Manzano naman ay hiwalay na sa actress na si Vilma Santos noong 1982 at sa isa pang actress na si Maricel Soriano noong 1991. At hiwalay din si Edu sa  isang non-showbiz girl na si Iryne Garcia. 

Naging aktibo sa pelikula lalo na sa mga teleserye itong si Cherry Pie. Hindi siya nawawalan ng palabas sa Kapamilya Network. Habang si Edu Manzano naman ay kilalang antigonist sa mga pelikula at gumagawa rin siya ng mga teleserye. Kasalukuyang nasa iisang telserye sina Edu at Cherry ang Marry me, Marry you ng ABS-CBN. 

Source: remate.ph


Sa edad ni Cherry na 51 at Edu na 66 ay masasabing ang pag-ibig ay walang pinipiling henerasyon. Sana nga ay malagay na sa tahimik ang pagmamahalan ng dalawa. At maraming netizen ang natutuwa sa pag-amin ng dalawa.