ISANG 3 YEARS OLD NA BATA UMORDER NG LARUAN NA UMABOT NG APAT NA LIBONG PISO

ISANG 3 YEARS OLD NA BATA UMORDER NG LARUAN NA UMABOT NG APAT NA LIBONG PISO

Ikinagulat ng mag-anak ng isang bata sa Bohol na si Nathan Pana dahil sa inorder nitong laruan mula sa Shopee. Isang rechargeable toy motorcycle at isang backhoe toy na may pedal na umabot sa halagang apat na libong piso ang di inaasahan na dumating sa bahay nila Nathan. 

Ayon sa tiyuhin ng bata noong December 8, 2020 ay nagpaalam daw sa kanyang mommy Len ang bata na oorder daw siya sa shopee. Habang ito ay nag aayos ng bahay para sa paskong darating at balak pa mag order sa shopee ng christmas decor. Hindi naman daw binigyan pansin ng ina dahil sa akala nito ay hindi marunong ang bata sa pag-order online. 

Source: Marloue Napiñas Mahumot

Ngunit noong December 20, 2020 ay nakatanggap ng mensahe si mommy Len mula sa delivery driver na parating na daw ang order niya. Binalewala lang naman daw niya ito dahil alam niya sa sarili na wala naman daw siyang inorder. Subalit sa araw din na iyon ay may dumating nga na mga laruan at sa kanya ito naka-address. Laking gulat na lang ng mag-anak dahil sa umabot ng 4 thousand pesos ang halaga. 

Nung una ay wala silang balak na kukunin ang mga item ngunit nakiusap ang delivery driver dahil nahirapan daw siya sa pagdedeliver ng mga iyon. Kaya napagpasyahan na lamang ng mag-anak na mag-ambag upang mabayaran ang order. Hindi naman daw nila pinagalitan ang bata dahil malambing daw ito at bibo. 

Source: Marloue Napiñas Mahumot

Isang malaking leksyon ng ina ni Nathan ang nangyari. Sa tuwing mag-online shop daw si mommy Len ay nakatingin ang anak. Hindi niya inakala na sa murang edad nito ay natuto na itong mag-online shop. Kaya dapat ay huwag hayaan ang mga bata na gumamit ng gadget. 

Source: Marloue Napiñas Mahumot

Muling paalala sa mga magulang na limitahan ang mga gamit gaya ng gadget na maabot o magamit ng kabataan. Lalo na sa panahon ngayon na mabilis matuto ang mga bata sa makabagong teknolohiya.