Dahil sa socmed ay nahanap ng Anak ang kanyang Nanay na matagal ng nawawala

Dahil sa socmed ay nahanap ng Anak ang kanyang Nanay na matagal ng nawawala

Sa panahon ngayon ay halos lahat ng tao ay nabibilang na sa tinatawag na netizen o iyong mga tao na may access o account sa social media gaya ng facebook, twitter at instagram.

Hindi rin maikakaila na may hindi magandang naidudulot rin ang socmed gaya ng fake news. Ngunit may magandang nagagawa naman ito lalo na sa komunikasyon ng bawat isa sa mabilis at murang paraan. 

General Santos City, may isang nanay na nahanap ng kanyang pamilya dahil sa socmed.

Mula sa post ng animal rescue team na Purpaws ay nakita ng anak at nakilala niya ang kanyang ina na matagal na diumanong nawawala.

Hindi naman talaga si nanay o nakilalang si nanay Jocelyn ang pangunahing post ng Purpaws kundi ang nawawalang aso ni nito. Kilala na dati ng Purpaws si nanay dahil nakunan na nila ito kasama ang aso niya at binigyan pa nila ito ng tali. 

Source: Purpaws


Isang araw ay napag-alaman ng Purpaws na nawawala ang aso ni nanay Jocelyn kaya nagpost ito sa socmed at dahil sa ikinalat ng netizen ang nasabing post ay umabot ito sa Bukidnon kong saan nakatira si Joan Francisco Contapay.

Nakatanggap ng mensahe ang Purpaws mula kay Joan at sinasabi nito na nanay niya ang nasa larawan. Nakipag-ugnayan din ang pamangkin ni nanay na si Nica Contapay Apura sa kanila. 

Source: Purpaws

Source: Purpaws

Sa tulong naman ng isang petshop owner at ng Purpaws ay nakausap ni nanay Jocelyn ang anak. Mapapansin na mahina ang pananalita at pag-iisip ni nanay Jocelyn. Ayon sa anak ay madalas daw ito lumalabas ng bahay at nagpupunta sa karatig lugar sa Polomolok, South Cotabato. Nais ng mag-anak na kukunin na nila ang ina dahil mas maaalagaan nila ito. Kahit ayaw na daw bumalik ni nanay sa Bukidnon. Gayunpaman, isang magandang tagpo ito dahil sa tulong ng socmed.

Source: Purpaws

Patuloy pa rin ang paghahanap ng Purpaws sa nawawalang aso ni nanay. Kulay puti na may batik na kayumanggi.