Isang dalaga itinigil na ang pagpapa-reb0nd ng Kanyang buhok

Isang dalaga itinigil na ang pagpapa-reb0nd ng Kanyang buhok

Ang pagpapaganda ay likas na sa mga kababaihan. Nag-aayos muna ng sarili bago lumabas ng bahay.

Tinitingnan ang damit kong bagay ba, lalo na kapag may pupuntahang party.

Matagal sa kwarto dahil sa pag-aayos lang sa sarili. Ito ay malaking bagay para sa mga kababaihan dalaga man o may edad na.

Katulad na lamang ni Sasha Patricio 21 years old. Aminado siya sa kanyang facebook post tungkol sa pagiging metikuloso sa kanyang buhok.

Aniya, teenager pa lamang siya ay nag-umpisa na siyang ipa-rebond ang kanyang buhok na natural na kulot. Para sa kanya ay isang sumpa ang pagiging kulot.

Pangit tignan. Kaya tiniis niya ang walang tigil na pagpaparebond sa loob ng apat na taon.

Source: Sasha Patricio/facebook 

Ilang buwan na muling pagtubo ng kanyang buhok ay pinaplantsa na agad niua ito upang maitago ang pagiging kulot.

Mas nakilala na raw sya ng mga tao sa pagkakaroon ng straight na buhok. Iba’t-ibang kemikal at hair products na rin ang nasusubukan niya mapanatili lamang ang inaakala niyang mas nagpapaganda sa kanya ang pagkakaroon ng straight na buhok. 

Ngunit isang araw na-realized ni Sasha kong bakit ba niya iyon ginagawa at bakit niya iibahin ang bigay na hitsura ng Diyos sa kanya.

Source: Sasha Patricio/facebook

Itinigil na ni Sasha ang pagpaparebond at hindi iyon naging madali sa kanya. Dahil bawat labas niya ng bahay ay kailangan pa niyang itali ang buhok.

Subalit tinanggap na niya ang katotohanan kong ano meron siya. Nagulat siya dahil ang dating sumpa para sa kanya ang naging best asset na niya ito. 


Umabot sa 33,000 reactions at 44,000 shares ang post ni Sasha. Ang dating insecurities niya ay asset na niya ngayon.

Source: Sasha Patricio/facebook

Mas maluwag na ang pakiramdam niya ngayon dahil sa inilabas niya ang natural na ganda. Hindi kailangan na makibagay ka sa lahat ng sitwasyon.

Hindi kailangan na mainggit ka sa kapwa dahil ang bawat isa ay may angking kagandahan. At hindi rin masama ang maging iba at magpapakatotoo sa sarili.