Binatilyo, bahaw at sabaw bilang cake at handa sa kanyang kaarawan

Binatilyo, bahaw at sabaw bilang cake at handa sa kanyang kaarawan

Ang bahaw ay salitang bisaya na ang ibig sabihin sa tagalog ay kaning lamig o tirang kanin. Kalimitan din itong ginagawang ginisa upang mas maging masarap.

Ang ilan sa atin ay ayaw na sa bahaw dahil tira at malamig na ito. Mas masarap nga naman ang bagong saing na kanin. Pero ibahin mo ang isang binata na nag-viral ang video dahil sa kakaiba ngunit nakakaawa ang sitwasyon. 

Karamihan sa atin sa tuwing kaarawan ay may nakahandang maraming pagkain, inumin, mga regalo at hindi talaga mawawala ang cake.

Sa vIral video ay makikita ang bahaw na tinirikan ng kandila at iyon ang ginawang cake ng binata para sa kanyang kaarawan. Katabi ito ay isang kaldero na may sabaw.

Nakakantig ng damdamin pero sa kabila ng lahat ay makikita rin ang kasiyahan ng buong pamilya habang kumakanta ng happy birthday

Photo credit to the owner

Pambihira ang ganoong sitwasyon na sa kabila ng kahirapan ay masaya pa rin ang pamilya sa pagdidiwang ng kaarawan ng kanilang anak.

Salat man sa materyal kahit na mesa ay wala ang mag-anak ngunit masaya pa rin sila. Iba pa rin talaga ang tunay na saya. Ang ilan nga ay hitik sa biyaya at bonggang birthday celebration ay hindi pa rin masaya. 

Photo credit to the owner 

Ang selebrasyon ng kaarawan ay isang beses lang sa isang taon. Ang pinaka-importante ay malusog at masaya ka sa araw na iyon.

May handa man o wala, may regalo man o wala ang mahalaga ay masaya ka kasama ang pamilya at mahal sa buhay. Kagaya ng mag-anak ng binatilyo.

Walang kabayarang halaga ang tunay na kaligayahan kasama ang pamilya sa pagdaraos ng ating kaarawan. 

Photo credit to the owner 


Patunay na inspirasyon ang mag-anak kahit sa kabila ng kahirapan sa buhay ay nakuha pa nilang magsaya. Ang tanging regalo na hindi mawawala sa puso at isipan ng binatilyo.