OFW nakapag-ipon ng mahigit isang milyon nang itinigil ang online games at y0si

OFW nakapag-ipon ng mahigit isang milyon nang itinigil ang online games at y0si

Ang pag-iipon ng pera ay napakadaling gawin, maglalagay ka lang naman ng pera sa alkansya yun lang. Subalit napakahirap naman itong panindigan lalo na kapag umabot sa oras na sobrang gipit natin.

Alam natin na napakalaking tulong ang inipon na pera pagdating ng panahon pero nangagailangan din talaga ng desiplina at determinasyon ang ipon challenge. 

Kagaya na lamang ng isang pinoy ofw sa Saudi. Ibinahagi ni Neil Ryan Lorenzo sa socmed ang kanyang mga naipong pera na umabot na sa mahigit isang milyon.

Ayon kay Neil ay tatlong taon at kalahati niyang pinagipunan ang pera. At ginulat ang lahat sa paraan ng pagiipon niya. Itinigil niya ang bisyong sigarilyo at online games. Nag-d1et daw diumano siya, ang dating 85kls ay nasa 75kls na lamang sya ngayon. 

Source: Neil Ryan Lorenzo


Hindi rin biro ang ginawa ni Neil na tinigil ang mga bisyo gaya ng yosi. Nasa 21 years na pala ang pagyoyosi niya bago niya ito itinigil.

Inilalagay na lamang niya ang perang gagastusin sa bisyo at sobrang pagkain. Pati rin siya ay hindi inaasahan na aabot sa ganoong halaga ang ipon niya. Naging inspirasyon daw niya ang facebook page na Peso Sense. Malaking tulong daw ang page na iyon sa kanyang pag-iipon. 


Source: Neil Ryan Lorenzo


At dahil diyan bilang pasasalamat ay magpapa-raffle siya ngayong December 22, 8pm. Ang gagawin ng netizen ay e like at e sh@re ang kanyang naturang post at bawal ang dummy account. Malalaman ang nanalo ngayong December 23, 8am. May tatlong pipiliin si Neil na magwawagi ng 6,500 pesos para sa kanyang pamaskong handog. 

Sa pagbabalik niya ng bansa ay mag-dodonate daw siya sa simbahan at mag-ikot-ikot upang magbigay regalo sa mga pulubi. Kahit daw sa kaunting paraan ay makakatulong si Neil ngayong pasko. 

Source: Neil Ryan Lorenzo

Labis ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at sa facebook page na nagbigay inspirasyon sa kanya upang maiwas siya sa bisyo at nakapag-ipon pa. Maraming netizen ang humanga at sana’y magbigay inspirasyon din si Neil sa iba pang netizen gaya niya.