Dawn Zulueta hindi ikinahiya ang mapuputing buhok

Dawn Zulueta hindi ikinahiya ang mapuputing buhok

Isa sa pinakamaganda at pinakamahusay na actress si Dawn Zulueta o Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa pinoy showbiz.

Hindi rin talaga matatawaran ang kanyang kasikatan lalo na noong dekada ’80 at ’90. At kahit mapasa-hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa industriya.

Kasabay sa pag-aalaga ng kanyang karera ay ang pag-aalaga rin sa kanyang pisikal na aspeto. 

Halos lahat sa showbiz industry ay pinanatili nila ang maayos na hitsura lalo na kong nagkaka-edad na. Magandang balat at kalusugan pati na rin ang maganda at maayos na buhok.

Rebond at hair dye upang mapanatili ang angking ganda at ayos. Pero ibahin natin si Dawn Zulueta, sa kanyang socmed post ay ibinahagi niya ang natural grey hair look niya.

Source: ent.abs-cbn.com

Makikita na hiyang na hiyang ang actress sa kanyang new normal look. Taliwas ito sa nakasanayan natin na maitim, straight at mahabang buhok ni Dawn. 


Ayon sa kanya, isa sa dahilan kong bakit hinayaan niya na lumabas ang tunay na kulay ng buhok niya ay dahil na rin sa pandemya.

Source: Dawn Zulueta

Kung saan sarado ang mga salon, kong saan doon siya nagpapaayos ng buhok. At matagal na rin talaga niya gustong magkaroon ng maiksing buhok.

Ngunit hindi niya ito magawa dahil na rin sa pangangailangan ng kanyang trabaho. 

Karamihan naman sa mga netizen ay natuwa sa bagong looks ng actress. Masaya rin sa buhay may-asawa si Dawn. Kong saan ay mahigit dalawang dekada na itong kasal kay Anton Lagdameo.

May dalawang anak sila na sina Jacob Antonio at Ayisha Lagdameo. 

Source: Dawn Zulueta 


Mababatid sa histura ni Dawn na tila panahon lang ang lumipas ngunit napanatili pa rin niya ang magandang porma at pangangatawan.

May tangkad siya na 5’7″. Hindi nga mahahalata na 52 anyos na siya. Nag-umpisa siya sa showbiz noong 1986. Hawak siya dati ng GMA Artist Agency at Viva Artist Agency. Ngayon naman ay under management siya ng Asian Artist Agency.