PWD na delivery rider pinukaw ang damdamin ng netizen

PWD na delivery rider pinukaw ang damdamin ng netizen

“Kung mapapansin niyo po, bakal ang kanang side ng paa ni tatay.

Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pina-deliver ko na dimsum, ‘di po siya nag-cancel.’Di ko din po expected na ganun po kalagayan ni tatay. Basta tatay salute po ako sa’ yo.” – Avril

Sa hirap ng buhay ngayon lahat ay gagawin upang mabuhay. At isa sa patok ngayon ay ang delivery service, lalo na’t tayo ay nasa pandemya.

Kahit na ang isang PWD (person with disability), ay walang pag alinlangan na tahakin ang landas ng isang pagiging delivery rider. 

Source: Avril/facebook

Sa post ng isang netizen na si Avril ay maraming netizen ang napukaw ang damdamin dahil sa mga larawan na ibinahagi niya. Si tatay, may katandaan na at isang lalamove delivery rider ay isa ring PWD. Nakakaantig damdamin ang kalagayan ng isang matanda na kahit siya ay may kapansanan ay pilit pa rin na itinaguyod ang pamilya sa pamamagitan ng pagiging delivery rider. Ang kanyang kanang paa ay putol na at naka-prosthetic na bakal na lamang ito. 

Source: Avril/facebook

Ayon kay Avril ay nagpadeliver siya ng dimsum sa lalamove, subalit nang ito’y dumating na ay nagulat siya at naawa sa delivery rider na si tatay. Dahil sa kalagayan nito.

Batid ni Avril na kahit may kabigatan ang mga order niya ay inihatid pa rin ito ng matanda. 

Kadalasan sa mga PWD ay nakadepende na lamang ito sa kanilang pamilya o sa pensyon ng gobyerno.

Sa katunayan ay mayroon talagang special treatment sila gaya ng sa mga pampasaherong sasakyan, sa mga pila ng establisyemento, pagamutan at sa iba pang sangay ng serbisyo publiko.

Sila lagi ang priority o inuuna kasama na din ang mga buntis. 

Source: Avril/facebook


Masasabing pambihira talaga ang tatag ng loob sa tuwing makakita tayo ng may mga kapansanan ngunit naghahanap-buhay pa rin.

Hindi gaya ng iba na kompleto at malusog bagkus na magsumikap ay mga palamunin at minsan ay pasaway pa sa komunidad. Isang kahanga-hanga si tatay at nagsilbing repleksyon ito sa kasalukuyang nangyayari na kahit sa kabila ng kahirapan ay may paraan pa rin tayo upang magpatuloy at lumaban sa takbo ng buhay.