Lola Ligaya sobrang nalungkot sa pagkuha ng mga aso niya na nagpapaligaya sa kanya

Lola Ligaya sobrang nalungkot sa pagkuha ng mga aso niya na nagpapaligaya sa kanya

“Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie.Nanginginig ‘yung mga aso kaya pinakain ko sila. Simula nun, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog.

Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang. Kaso, kinuha sila. Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh. Gusto ko nang makita ang aking mga aso.” 

– Lola Ligaya

Isang kwento na naman ng pagmamahal ng tao sa alagang aso. Marami na rin tayong nababasa o napapanood na mga masasaya at malulungkot na kwento tungkol sa amo at aso.

Karaniwan  na talaga maituturing na man’s best friend ang aso. Sukat  na rin ng panahon ang pagiging matapat ng aso sa kanyang amo, kahit buhay pa nito ay isusugal mailigtas lang ang kanyang amo. 

Credit to the Owner


Kamakailan ay nag-viral ang isang video na nakunan si Lola Ligaya na umiiyak habang namamaalam sa kanyang mga alagang aso. Dahil kinuha ito ng animal control unit.

Iyong nangunguha ng mga asong pagala-gala. May ordinansa na kasi na dapat itali o ikulong ang mga alagang aso upang maiwasan ang may ibang tao na makagat o ma disgrasya nito. At sa tuwing lalabas ka ay dapat nakatali ang aso at hawak mo ito. 

Credit to the Owner


Gayunpaman, ay wala ng nagawa si Lola Ligaya kundi ang umiyak at namaalam sa kanyang dalawang alagang aso na sina Blackie at Brownie.

Ayon sa kwento ni lola, nakita daw niya na nanginginig ang mga aso kaya pinakain niya ito. At simula noon magkasama na silang tatlo lagi.

Nag-iisa na rin sa buhay si lola kaya parang kapamilya na niya ang mga alaga. Subalit hindi nakaligtas sa mga awtoridad ang mga aso ni lola at kinuha ito sa kanya. 

Credit to the Owner


Tanging lungkot at pag-iyak na lamang ang nagawa ni lola. Dagdag pa niya ay namimis na raw niya ang mga alaga. Ngunit tanggap na rin ni lola ang pangyayari.

Malungkot man pero dapat tanggapin ang katotohanan. At sana din ay may makakakilala na kamag-anak ni lola dahil kawawa naman ang matanda na nag-iisa na lang sa buhay.