Labis-labis na lamang ang panlulumo ng mga mangingisda habang dahan-dahang nasisira ang kanilang pang-kabuhayan ng dahil sa bagyo.

Labis-labis na lamang ang panlulumo ng mga mangingisda habang dahan-dahang nasisira ang kanilang pang-kabuhayan ng dahil sa bagyo.

Labis-labis na lamang ang panlulumo ng mga mangingisda habang dahan-dahang nasisira ang kanilang pang-kabuhayan ng dahil sa bagyo.

Noong December 16, 2021 ay nag-umpisang humagupit sa bansa ang bagyong Odette o may international name na Typhoon Rai.

Dumaan ito sa northeastern part ng Mindanao patungo sa central at western Visayas. Subalit nasasakop nito halos ang kabuuan ng Visayas at Mindanao. 

Source: tiptricks.ai

Tinaguriang super typhoon si Odette na talagang nanalasa ng husto.

Sa probinsya ng Dinagat ay hanggang sa ngayon ay wala pa rin kuryente at komunikasyon pati na rin sa ibang bahagi ng Surigao at Caraga region.

Hindi rin nakaligtas ang mga bahay at ari-arian sa baha at hagupit ng hangin.

Sa kalakhang Cebu lalo na sa southern part ay maraming kabahayan din ang nawasak at tinatayang aabutin pa ng isang buwan bago maibalik ang full operation ng kuryente sa iilang lugar doon. 

Isa sa mga pinakanaaapektuhan ay ang mga nasa malapit sa karagatan. Lalo na ang maliliit na mangingisda na tuluyan ng nawalan ng hanap-buhay dahil sinira at tinangay na ng tubig ang kanilang mga bangka.

Wala na silang nagawa kundi iligtas ang sarili at pamilya habang minamasdan na lamang ang unti-unting paglaho ng kanilang kabuhayan. Masakit man ngunit maswerte pa rin ang mga hindi nasawi kahit papaano ay buhay sila. Maliban sa iilan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa bagyo.

Source: wearepinoy.info

Dagdag pa sa paghihirap ng mga kababayan natin ay ang kawalan ng komunikasyon dahil labis din naapektuhan ang mga cellsite sa iilang lugar.

Patuloy pa rin ang ginagawang rehabilitasyon at rescue pati na rin ang pamimigay ng ayuda gaya ng pagkain at mga damit.

Sa tulong ng gobyerno at private sector ay unti-unti na rin naiayos ang mga nasirang infrastructure. May mga lugar din na nawalan ng supply ng tubig. 

Source: wearepinoy.info 


Ang pananalanta ng bagyong Odette ay isang di malimutan na pangyayayari  ng ating mga kababayan sa taong ito. Nariyan pa ang pandemya at dumagdag pa ang bagyo.

Tanging ang pagkapit sa Diyos ang pinakasandigan natin sa ganitong sitwasyon. Gayunpaman, labis din natin pinasasalamatan ang mga sektor na nagbigay agad tulong sa mga nasalanta.