Dating basurera nakatanggap ng scholarship sa University of Melbourne

Dating basurera nakatanggap ng scholarship sa University of Melbourne

” I didn’t realize it was smelly. I didn’t realize it was dirty, I slept there, I ate there”. – Sophy Ron

Ang pag-aaral ay karapatan ng lahat. Ngunit hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay.

Ang iba ay kinalimutan na lang ang pag-aaral upang mag hanap-buhay.

Subalit ang iba naman ay piniling mag hanap-buhay upang makapag-aral.

Ito ang ginawa ni Sophy Ron. Isang valedictorian at ngayon ay may full scholarship sa University of Melbourne, Australia. 

Source: How To Care

Nagsimula ang lahat ng may isang lalaki na lumapit at kinausap ang batang Sophy.

Tinanong siya nito kong gusto ba niya mag-aral at matuto ng English. Sa panahon na iyon ay walang ideya si Sophy kong ano ang ibig sabihin ng salitang English.

Umuwi siya na masaya at kinuwento sa mga magulang na may tutulong daw sa kanya upang makapag-aral. 

Ginamit si Sophy ang pagkakataon na iyon upang matupad ang pangarap niya na makapag-aral. At nagtapos nga ito bilang valedictorian.

Nakamit niya ang pangarap sa tulong ng CCF – Cambodian Children’s Fund. Sa speech ni Sophy ay mahahalatang matalino ito kaya naman ay nakatanggap siya ng scholarship sa Australia. 

Source: abc.net.au

Sa kabila ng kanyang tagumpay ay hindi lumimot si Sophy sa kanyang pinanggalingan.

Nais nitong makasama ang mga kaibigan at pamilya bago siya tutungo sa Australia upang simulan ang panibagong kabanata at oportunidad sa kanyang buhay. 

Nakakatuwang isipin na parang pang teleserye ang kwento ng buhay ni Sophy.

Pero tila tadhana talaga ang pagtatagpo ng batang Sophy sa isang lalaki na nagdala sa kanya sa tagumpay. Bukod pa dito ay hindi niya ikinahiya at kinalimutan kong saan siya nanggaling. 

Source: abc.net.au

Hindi lahat ay may pagkakataon na makapag-aral. Kaya kong may kakayahan ang magulang mo na ibigay ang edukasyon ay sana pagyamanin mo ito at gawin ang nararapat. Dahil ang edukasyon lamang ang tanging yaman na hindi ito maaagaw ng sinuman.