Iza Calzado nagdiwang ng ika-3 anibersaryo

Iza Calzado nagdiwang ng ika-3 anibersaryo

Thank you for choosing me everyday even when I make it difficult for you to do so. It takes a special and a whole lot of man to be with a woman like me and I am grateful for your strength, understanding, love and patience,” – Iza Calzado

Ang buhay may asawa ay hindi simpleng bagay. Puno ito ng ligaya at kasama na dito ang mga pagsubok. Panibagong pahina ito sa buhay ng isang tao. Kaya naman hindi talaga mapigilan na ipagdiwang ito kasama ang minamahal. 

Kapamilya actress Iza Calzado (Maria Izzadora Ussher Calzado-Wintle) at husband na si Ben Wintle ay nagdiwang ng kanilang ika-3 anibersaryo. Nagpost ang actress sa kanyang instagram tungkol sa pagmamahal at pasasalamat niya sa kanyang asawa. Sa kabila ng pagiging busy at celebrity niya ay lubos naman daw itong naiintindihan ng kanyang asawa

Source: cnnphilippines.com

Halatang mahal na mahal ng actress ang kanyang asawa. Kilala si Iza na magaling na actress mula sa Kapuso Network at di naglaon ay lumipat na sa Kapamilya Network. Nakagawa na rin siya ng maraming teleserye at pelikula sa Kapamilya. Sa kabila ng lahat ay hindi nagkaroon ng negatibong write-ups ang actress lalong lalo na sa kanyang love life. 

Source: entertainment.inquire.net

Ngunit noong 2020 ay isa si Iza sa mga hindi nakaligtas sa covid-19. Na-ospital at nanganib ang buhay pero maswerte pa rin siya dahil nakaligtas siya sa nakakatakot na sakit ngayon sa buong mundo. Tanging pasasalamat sa pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya nang siya ay gumaling na sa sakit. 

Source: philtabloid.com

Nasa ikatlong taon na nga sila ni Ben bilang mag-asawa ngunit maraming netizen ang nagtatanong kung bakit wala pa silang anak. Ayon naman sa actress ay katawan naman daw niya iyon at choice niya. E respeto na lang daw at marami pa siya balak gagawin bago magka-baby. At malapit na ang muling pagbabalik telebisyon ni Iza dahil isa siya sa mga cast sa pinakahihintay na Darna ng Kapamilya Network. Kaya abangan na lang natin kung sino siya sa teleseryeng iyon.