Pari nagbigay ng homily sa isang kasalan at inamin na ex-girlfriend niya ang bride

Pari nagbigay ng homily sa isang kasalan at inamin na ex-girlfriend niya ang bride

What a small world ang naganap na kasalan na nag-viral kamakailan.

Sa you tube channel ni Fr. Roneil Sulit Jr. na Fr. Roneil El Haciendero kong saan naka live stream ang isang kasalan at nagbigay siya ng homily sa ikinakasal.

Sa umpisa pa lang ang masaya ngunit kabado ang pari. Mapapansin din na tila malapit sa isa’t-isa ang pari at ang bride.

Nagkwento muna ang pari tungkol sa hindi naging pareho ang date ng love story ng kinakasal. Ayon daw ni Korina bilang bride sabi nito ay June 23, 2014 daw sila nagkakilala ni Manuel.

At ayon naman daw kay Manuel bilang groom ay 2008 daw sila nagkakilala. Dinaan ng pari sa biro ang tagpong iyon.

 

Source: Fr. Roneil El Haciendero/youtube


Dagdag pa ni Fr. Roneil bago ang araw ng kasal ay nag message daw si Korina na may e-content na daw si Father sa kanyang vlog at ayun nga ang kaniyang kasal.

Inamin din ng pari na habang siya ay nagsasalita ay kabado at pinagpapawisan, habang ang bride naman ay walang tigil sa kakatawa.

Nasabi din daw ng bride sa kanya bago ang kasal na kinakabahan daw ito, hindi sa kasal kundi sa maaaring rebelasyon ng pari. 

Source: Fr. Roneil El Haciendero/youtube

Hanggang sa inamin na nga ni Fr. Roneil na ang bride na si Korina ay ex-girlfriend niya. Napuno ng hiyawan ang buong simbahan. Hindi naman nakitaan ng panghihinayang ang pari sa nangyari. Matagal na daw iyon at may kanya-kanya na silang buhay. 

Source: Fr. Roneil El Haciendero/youtube

Umani naman ng masasayang komento ang video. Sadya talagang maliit ang mundo ngunit ang mahalaga ay naka-move on na sila pareho at masaya na sa kanilang buhay.

May mga pagkakataon talaga sa ating buhay na hindi inaasahan.

Ang aral sa kwentong ito ay ang pagkakaroon natin ng magandang pakikitungo sa ating kapwa dahil sabi nga maliit ang mundo at hindi imposible na makatagpo natin muli ang mga tao na minsan ay naging bahagi ng ating buhay.