Single mom nakapagpatayo ng bahay gawa sa isang container van

Single mom nakapagpatayo ng bahay gawa sa isang container van


Likas talaga sa ating mga pinoy ang malawak na imahinasyon. At dahil sa determinasyon ay naisasakatuparan natin ito. Subalit kakambal nito ang matiyaga na paghihintay.

May mga pangarap tayo na kong hindi ka magiging matiyaga ay hindi mo ito makakamit. Isa sa mga pinapangarap ng karamihan ay ang magkaroon ng maganda at sariling pamamahay.

Ang iba ay kumukuha ng bahay sa mga real states housing. Ang iba naman ay naglo-loan housing. At meron naman na matiyaga talagang nag-ipon. 

Source: cosmo.ph

Tulad na lang ni Kim Manzano. Pangarap niya magkaroon ng sariling bahay.

Ngunit kakaiba ang bahay na pinangarap niya dahil gusto niya na gawa ito sa isang container van. Ang container van ay lagayan ng mga kagamitan o cargo na inihahatid sa iba’t-ibang lugar sakay ng cargo ship.

Noon pa man ay nagsaliksik na itong si Kim ng iba’t-ibang disenyo ng isang container house. Marami na rin kasi tao sa mundo na gumagawa nito lalo na sa ibang bansa. 

Source: cosmo.ph

Sa loob ng 15 years na pagtatrabaho ni Kim sa shipping industry ay nakapagpundar na siya ngayon ng magarang container house.

Kahit single mom ay mag-isa niya itong pinag-ipunan matupad lang ang pinangarap na bahay. Nakakuha din siya ng ideya sa low budget ngunit magara dahil sa pagsasaliksik. Ayon sa kanya, dalawa lang daw ang gumawa ng bahay at iilang helpers at kasama na rin siya dito. Napakaganda nga naman talaga ng resulta at di mo aakalain na gawa ito sa isang container van. 

Source: realliving.com.ph

Madalas na rin tayo makakita ng kakaibang bahay at binibida ng may-ari na low budget ngunit magarang tignan ang kanyang bahay.

Maituturing talaga na very unique dito sa ating bansa ang bahay ni Kim. At nakaka-inspire ang pagpupursige niya, sana maging inspirasyon si Kim sa mga taong nawawalan na ng pag-asa na magkaroon ng sariling tahanan.