Joey Marquez tanggap ng girlfriend ang labing-anim na anak

Joey Marquez tanggap ng girlfriend ang labing-anim na anak

” I always tell then kasi na may children are the utmost priority. Whatever happens, I will always side with my children. Eh natanggap niya kaya sabi ko I fell in love with her.” – Joey Marquez 

Isa sa pinakamagandang pakiramdam ay ang umibig. Kahit ilang ulit man umibig hindi pa rin tayo nagsasawa. Kahit ilang beses man nabigo ay patuloy pa rin sa pagtibok ang ating puso sa iba.

Napakasarap umibig subalit kakambal nito ay mga bagay na maaaring hadlang sa pagmamahalan ng dalawang tao. Gayunpaman, nagagawa rin ng pag-ibig na magkaroon ng malawak na kaisipan at pag-intindi ang taong nagmamahal. 

Source: tsong_marquez/instagram 


Joey Marquez, 63 anyos, kilalang komedyante sa pinoy showbiz. Makulay at naging kontrobersyal ang buhay niya sa loob at labas ng showbiz.

Pumatok ang mga pelikula niya simula pa noong dekada 80. At patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga palabas sa telebisyon hanggang ngayon. Sa haba ng panahon niya sa industriya ay nagkaroon siya ng mga karelasyon at nagbunga ito ng labing-anim na anak. 

Source: tsong_marquez/instagram 

Jj, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj, Winwyn, Zia, Vitto, Mm, Jazalla, Jacob, Joeygy.

Mga pangalan ng anak ni Joey Marquez sa iba’t-ibang babae. At apat dito ay anak nila ni Alma Moreno. Tanging si Winwyn lang ang sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang at naging beauty queen pa ito at gumagawa ng teleserye sa Kapuso Network. 


Source: ent.abs-cbn.com 

Sa dami ng anak ni Joey o kilala din na Tsong, tanggap ito lahat ng kanyang bagong partner ang non-showbiz na si Malou Quintana. Laking pasasalamat din ni Tsong kay Malou dahil tumutulong din daw ito sa pag-aalaga ng kanyang mga anak. Noong 2020 sana ang balak nila magpakasal ngunit na antala ito dahil sa pandemya. Ayon pa ni Tsong ay wala na raw sila balak magka-anak dahil bukod sa 16 na anak ni Joey ay may anak rin naman si Malou sa dati niyang kinakasama.