Kapamilya actor Enchong Dee nahaharap ngayon sa Cyber libel case.

Kapamilya actor Enchong Dee nahaharap ngayon sa Cyber libel case.


Mula ng naisabatas ang cyber libel ay naglalayon ito na protektahan ang sinuman sa mapa nirang post sa social media o sa lahat ng uri ng online platform.

Dahil na rin sa lakas ng impluwensya ng social media sa panahon ngayon kong saan lahat ay pwede mong e post o sabihin. 

Kamakailan lamang ay nag labas ang Davao Occidental Prosecutor’s Office sa pamamagitan ni Prosecutor Marte Melchor Velasco hinggil sa cyber libel case na isinampa ni Congresswoman Claudine Bautista-Lim party-list representative ng DUMPER (Drivers United for Mass Progress).

Nahaharap ngayon ang aktor dahil sa mapanirang post niya sa kanyang social media account. 

Source: philnews.ph

Ayon sa post ni Enchong, ginamit daw diumano ng Congresswoman ang pundo ng DUMPER sa kanyang Balesin wedding habang nasa pandemya ang lahat.

Ayon naman sa prosecutor ito ay isang malversation of public funds kong saan ito ay mapanira at direktang pag akusa sa isang tao.

Ibinasura naman nito ang kaso sa dalawa pa na sina Agot Isidro at Pokwang kong saan ay nagpapahayag lang daw ito ng saloobin. Taliwas sa post ni Enchong. 

Source: @enchongdee777/twitter

Wala daw plano na magsampa ang kongresista kaya lang labis na raw na apektuhan ang pamilya niya sa mga bash.

August 2021 pa isinampa ang kaso at noong November 2021 ay nag public apology si Enchong.

Subalit huli na ang lahat dahil naisampa na at nahaharap na siya sa hearing. Nakapaloob sa kaso ang 500 thousand for moral damages at 500 thousand for exemplary damages. 

Source: @enchongdee777/twitter

Si Enchong Dee ay  kilala na isa sa mga celebrity na tumutuligsa sa mga public official ng bansa.

Kahit mismo ang presidente ay hindi nakaligtas sa mga komento niya.

Nag-umpisa ito simula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Magsilbi sana itong leksyon sa lahat na hindi basta-basta mag akusa kanino man kung wala ka naman sapat na ebidensya.