Nasirang linya ng kuryente ng dahil kay Odette  lineman nawalan ng buhay.

Nasirang linya ng kuryente ng dahil kay Odette lineman nawalan ng buhay.

Dahil sa pananalanta ng bagyong Odette maraming buhay at kabuhayan ang nasira.

Nag-umpisa sa Siargao hanggang Palawan kung saan labis  na apektuhan  ng bagyo.

At hanggang ngayon ay marami pa rin ang walang tubig at kuryente dahil malaking sira ang naidulot ng bagyo sa mga pasilidad. 

Hindi rin maiiwasan na sa isang sakuna ay meron talagang magbuhis ng buhay.

Isang lineman ng Negros Oriental Electric Cooperative ang nasawi habang inaayos ang linya ng kuryente. Kinilala itong si Ronals Gallarde 31, taga Brgy, 2 Tanjay City, Negros Oriental at isang trimmer ng NORESCO II sub-office.

Habang nasa poste at inaayos ang linya ay aksidenteng nahawakan ng biktima ang live wire. Naibaba pa siya habang walang malay. Isinugod agad sa ospital ngunit nawalan na ito ng buhay. 

Source: policefilestonite.net

Nasa 74 katao ang naiulat na namatay sa Negros Oriental. 2 bilyon peso naman ang napinsala. At nasa 269 lungsod at munisipalidad ang nawalan ng kuryente at 150 pa ang naibalik.

Noong nag landfall sa La Libertad ang bagyo maraming nasira at nawalan ng kuryente sa Negros Oriental.

Patuloy pa rin ang pagsasaayos ng mga nasira ng bagyo, lalo na ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng tubig, pagkain, kuryente at pati na rin signal ng komunikasyon. 

Source: facebook post


Maraming nasira ang bagyo ngunit pasalamat na lang tayo dahil marami naman ang nailigtas. Nawalan man ng kabuhayan at bahay ang mahalaga ay ligtas ang ating buhay.

Hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Isang malaking pagsubok ito sa ating katatagan at pananampalataya sa Diyos.

Source: gmanews.com

Isang malaking tulong din ang ibinigay ng pamahalaan at ilang pribadong sektor upang maibalik sa dati kong hindi man ay mabigyan ng panibagong buhay ang mga nabiktima.

Malungkot man ang sinapit ng pamilya ni Ronald tanging pagharap na lamang sa kinabukasan ang magagawa natin.