Anna Feliciano brand new car ang christmas gift mula kay Willie

Anna Feliciano brand new car ang christmas gift mula kay Willie

Literal na napaka merry talaga ng christmas ngayon ng beteranang choreographer na si Anna Feliciano.

Dahil sa isang brand new Tiggo Chery  car ang natanggap niya mula sa actor/host na si Willie Revillame. 


Ayon kay Anna medyo sumama  pa daw ang loob niya dahil pinagtrabaho pa siya ni Willie kahit christmas day. Pinaasikaso sa kanya ang napanalunang sasakyan mula sa 12.12 Event Sale ng Shopee.

Source: Anna Feliciano/facebook

Subalit laking gulat niya dahil para sa kanya pala ang brand new car na iyon. Walang mapaglagyan ng tuwa itonh si Anna. Labis naman ang pasasalamat niya sa host.

At ayon kay Willie, regalo daw iyon dahil sa hard work niya at pabirong sabi na para daw hindi na siya lilipat sa kabila. May nabalitaan daw si Willie na may kumakausap sa dancer para lumipat ng show. 

Source: Anna Feliciano/facebook


Halos magkasabayan lang sina Anna at Willie sa showbiz noong dekada 80 pa.

Ngunit nag tagpo ang kanilang landas sa MTB dating variety show ng ABS-CBN kong saan naging host si Willie at choreographer naman si Anna ng Solidgold Dancer noon.

Hanggang sa nagkaroon na ng sariling show si Willie na Wowowee ang pumalit sa MTB. Kasama pa rin ni Willie si Anna. Ngunit nagkaroon ng problema si Willie sa pamunuan ng network kaya umabot sa punto na lumipat na ng istasyon si Willie sa TV5.

Matapos naman ang ilang taon ay lumipat na naman ng network si Willie at ngayon nga ay ang Wowowin show niya sa GMA. Nagpalipat-lipat man ng network si Willie ay nananatili sa likod niya si Anna bilang dance choreographer ng show. 

Source: Anna Feliciano/facebook

Kaya naman deserve talaga ni Anna ang regalo dahil sa loyalty nito sa milyonaryong host. Nangako naman si Anna na hindi niya talaga iiwan si Willie.

Mas kilala si Willie ngayon na isa sa pinakamayaman na celebrity ng bansa. At si Anna naman ay mas nilaan ang pagiging choreographer kesa pag-aartista.