Lucy Torrez-Gomez napahanga ang netizens sa kanyang no make up look

Lucy Torrez-Gomez napahanga ang netizens sa kanyang no make up look

Likas na talaga sa mga artista ang napapanatili ang kagandahan at kabataan nila. Tila wala man lang nabago sa hitsura nito sa paglipas ng panahon. Isa sa mga kahanga-hangang celebrity ay ang misis ni Richard Gomez na si Lucy Torrez tubong Ormoc City. 

Napahanga pa ni Lucy ang netizen dahil sa mga larawan niya sa kanyang socmed na walang make up.

Litaw pa rin talaga ang tunay na kagandahan ni Congresswoman Lucy Torrez-Gomez.

Dahil din daw sa pa demya kaya wala siya masyadong ginagawa kaya madalas nasa bahay lang siya. At tanging sunblock lang ang gamit niya kapag lumalabas. 

Source: lucytgomez

Una natin nakilala si Lucy sa isang komersyal ng shampoo kong saan kasama niya si Richard. Ibinahagi pa niya ang lumang larawan na kuha daw ni Richard noong 1993 habang nasa shooting sila ng shampoo sa Lake Caliraya.

Nakita daw iyon ni Lucy sa drawer at napag-alaman niya na itinago iyon ni Richard.

Ayon kay Richard, thoughtful at loyal daw sila sa isa’t-isa kaya sila nagtagal. At ngayong taon ay ika 23rd wedding anniversary nila. Pag-amin rin niya na 18taon siya noong na-meet niya si Richard ngunit 12taon pa lang daw siya ay inlove na siya kay Richard. 

Source: lucytgomez

Ikinasal sila noong 1998 naging matiwasay at tahimik ang kanilang pagsasama. Taliwas sa ibang artista na kontrobersyal at nauuwi sa hiwalayan. Ni walang isyu ang kanilang pagsasama.

Naging maayos din ang pagiging kongresista ni Lucy. Talagang maganda na, matalino pa itong si Lucy. Hindi rin niya ikinahiya na may lahi siyang igorot.

Pareho sila ng asawa na nagtapos sa University of the Philippines kaya ang anak nilang si Juliana ay doon din nag-aaral. 

Source: lucytgomez


Ipinanganak si Lucy noong December 11, 1974 at 46taon na siya ngayon ngunit ang mga larawan niya ay hindi mo aakalain na nasa 40’s na siya. Baby face pa rin   na maituturing ng karamihan si Lucy.