Cristy Fermin ipinagtanggol si Nadine habang si James ay binanatan

Cristy Fermin ipinagtanggol si Nadine habang si James ay binanatan

Hanggang sa ngayon ay mainit pa rin talaga ang Nadine-James hiwalayan.

Paano ba naman kasi umani ang kontrobersya ang hiwalayan ng dalawa. Sa isang episode ng Cristy Ferminute, ay nagpahayag ang beteranang kolumnista tungkol sa pagtatanggol nito kay Nadine. Inihayag nito ang naging karanasan ng actress sa kamay ni James. Narito ang mga pahayag ni Cristy Fermin. 

Source: Cristy Ferminute/facebook 


“Masyado siyang ano, masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya, iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada, iiwan si Nadine.

Si Nadine naman, gagawin lahat ng paraan para lang ma-win back si James. Kawawa, kawawa. It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-aalaga ng kanyang karelasyon, ‘di ba naman? 

“Itong ganitong klaseng babae gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, ‘di ba? Nakikipagsabayan din naman siya. Tapos gagawing kawawa nu’ng lalaki. Ano ‘to? Ano feeling ni James Reid, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa? 

Source: manilatimes.net

“Pagkatapos ng mahabang panahon na naghiwalay sila, inilagay pa nga niya sa alanganin si Nadine kaya nagkadema-demanda sa Viva, ‘di ba? O, pagkatapos nu’n, gugustuhin mo pa rin ba ‘yung lalaki na para kang nagmamakaawa, nanlilimos ng pagmamamahal? Natural hindi na. “

Matatandaan na naghiwalay ang dalawa ay noon pang 2019. May mga usapan naman na isang filipino-french businessman ang boyfriend ngayon ni Nadine na si Christian Bariou. Habang si James ay nababalitang may relasyon sa isang singer na under ng kanyang music label na si Jolianne Salvado. 

Source: Nadine Lustre/facebook 

Sana matapos na ang kontrobersya sa dalawa. Napakaganda pa naman ng karera at love story nila na labis hinangaan ng mga fans. At respetuhin na lamang ang katahimikam ng dalawa. Ganyan naman talaga walang forever ikanga. Pero sa lahat ay sana may maiwang na pagkakaibigan sa dalawa sa kabila ng lahat.