Anak, naibigay sa ama ang pangarap nitong bahay na dati ay hanggang blueprint lang ang dreamhouse

Anak, naibigay sa ama ang pangarap nitong bahay na dati ay hanggang blueprint lang ang dreamhouse


“Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n’ya sa magulang n’ya. Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n’ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n’ya.”

Lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay, pansarili man o sa ibang mahal natin sa buhay. Subalit hindi mo ito maisasagawa sa isang iglap lang. Kailangan ng determinasyon at disiplina sa sarili. Kaakibat ng pangarap ang sakripisyo sa pansariling nais.

Source: tiptricks.ai 


Si Randy Oliverio, isang ama na naisakatuparan ng kanyang anak ang pangarap nitong dreamhouse. Kong dati ay hanggang blueprint ngayon ay nagkatotoo na. Ayon sa kwento ay nilaan ng kanyang anak ang limang taon na sahod nito para sa kanilang bahay. 

Source: fuziwara.com


Dati ay tatlong beses daw nasaksihan ng kanyang anak ang paggawa nito ng blueprint na may 2 storey at terrace na bahay. Kaya naging inspirasyon ito ng kanyang anak upang tuparin ang pangarap ng ama. Lalo pa na  nilalait ang tagpi-tagpi nilang bahay. 

Dagdag pa sa kanyang anak ay may nabasa daw na estorya tungkol sa isang anak na pinangarap maibigay sa magulang ang lahat na pagkain na gusto nito, subalit hindi na inabot ng kanyang mga magulang kong kailan siya nagtagumpay na sa buhay. Kaya naman habang buhay pa ang kanyang mga magulang ay ibibigay niya rito ang lahat na makakaya niya. 

Source: fuziwara.com 

Kaya habang nasa tabi pa natin ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga magulang natin. Mas maigi na intindihin, alagaan at tuparin natin ang kanilang minimithi para kahit sa nalalabing taon nila sa mundo ay maranasan nila ang kakaibang saya. Ngunit ang mahalaga pa rin ay ang pagmamahal natin sa kanila.