80 anyos na Lolo inaresto sa kasong pagnanakaw ng mangga

80 anyos na Lolo inaresto sa kasong pagnanakaw ng mangga

Samo’t-saring reaksyon ang naidulot sa isang pangyayari na naihahambing pa sa tunay na kalagayan ng justice system ng bansa. Kapag mayaman ang nagkasala ay hindi napapakulong subalit kapag mahirap ay agad-agad kalaboso.

May patama din ang presidential aspirant na si Senator Ping Lacson sa dating government official na nagnakaw ngunit malayang nakakagala. 

Trending sa social media ang 80 anyos na matanda na nakilalang si lolo Narding Floro ng Asingan, Pangasinan.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng 7th Municipal Circuit Trial Court of Asingan-San Manuel noong December 20, 2021 siya ay nakulong noong January 13, 2022. Dahil sa kasong pagnanakaw ng mangga. 

Source: Asingan PIO

Ayon kay lolo namitas daw siya ng mangga na siya din naman ang nagtanim ngunit doon sa lupain ng kaniyang kapitbahay. At nakiusap din daw siya na huwag na siyang ipakulong at pag-usapan na lang dahil kaunti o wala pang 10 kilos ang napitas niya.

Dagdag pa niya kaya daw niya nagawa iyon upang ibenta sa namamakyaw ng mangga sa halagang 1,000 pesos kada 10 kilos para ipambili ng bigas at pagkain dahil wala naman daw siyang hanap-buhay. Ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso sa kanya. 

Sa tulong ng mga pulis Asingan ay napalaya si lolo dahil nag ambagan sila sa 6,000 pesos na piyansa upang makalaya ang matanda. May ilang celebrity din ang nais sana tumulong gaya nina Rabiya Mateo at Ryza Cenon dahil awang-awa sila sa matanda. 

Source: Asingan PIO

Isang linggo din nakulong si lolo at ngayon ay nakabalik na sa kaniyang tahanan.

Wala namang naiulat kong ano ang nag udyok sa taong nagpakulong nito. Samantala, maraming netizen ang nakisimpatiya kay lolo, mali man na maituturing ang nagawa niya ngunit napakaliit lang naman na bagay at pwede naman aregluhin. At siya din naman ang nagtanim sa puno. 

Source: Atty. Acosta/Facebook


May iilan talaga sa atin na kahit ang napakaliit na bagay ay hindi kayang palagpasin.

Pero hindi rin naman natin agad husgahan ang nagpakulong sa matanda dahil hindi naman nailathala ang kanyang side ng estorya.

Gayunpaman, laking pasalamat natin sa mga tumulong kay lolo upang makalaya. Ang aral sa pangyayaring ito ay ang pakikipag-kapwa tao. At huwag pairalin ang galit at dapat may mga bagay na ikokonsidera.