Pedicab driver napagtapos ang anak bilang magna cum laude

Pedicab driver napagtapos ang anak bilang magna cum laude


“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude,”
– Sandra Estefani Ramos

Ang pagkakaroon ng edukasyon ay karapatan ng bawat isa. Sa kong anong paraan mo man ito makamit ay nasa diskarte na natin iyon. Maraming inspirational na kwento na rin tayong nalaman na sa kabila ng kahirapan ay nakakapagtapos pa rin sa pag-aaral. 

Source: Sandra Estefani/facebook 

Si Renato Ramos isang pedicab driver ay naigapang at napagtapos ang anak niya na si Sandra Estefani Ramos bilang magna cum laude sa Bicol State College of Applied Science and Technology. Ayon sa kanyang asawa na si Cyril Ramos ay talagang inuuna na prayoridad ng kanyang asawa ang proyekto at pamasahe ng kanyang anak. At ang natitira ay para sa kanilang pagkain. 

Source: Sandra Estefani/facebook 


Ayon naman sa isang school associate professor si Sandra ay isang mapagkumbaba, simple at natatangi dahil sa mga pagsubok nito sa buhay ay nanatili pa rin siyang matatag. 

Aminado naman si Sandra na may mas matalino at mas magaling pa sa kanya ngunit dahil sa inspirasyon niya ang pagiging masipag at matiyaga ng kanyang ama ay napagtagumpayan niya at makuha ang pinakamataas na parangal bilang isang estudyante. 

Source: Sandra Estefani/facebook 


Isang kahanga-hanga si Mang Renato at maging isang magandang halimbawa sana ang kanyang determinasyon sa iba pang ama ng tahanan na huwag susuko sa gitna man ng kahirapan. 

Maraming humanga sa kwento ng dalaga. Ang aral sa kwentong ito ay ang pagkakaroon ng determinasyon at tiwala sa sarili. Na sa kahit anong hirap ng pagsubok ay patuloy pa rin tayong susubok na makamit ang mga pangarap sa buhay.