Larawan ng isang matanda na nakatulog sa bangketa habang nagtitinda ng saging

Larawan ng isang matanda na nakatulog sa bangketa habang nagtitinda ng saging

“Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos”. – Jeff Garcia

Isang kwento na naman ang sumasalamin sa tunay na katayuan ng ating bansa. Pumukaw ng maraming damdamin ang ibinahaging larawan ng isang netizen na si Jeff Garcia. Umabot mahigit sa 93, 000 reacts, 8,800 comments at 173, 000 likes ang nakunang larawan. 

Isang lalaking matanda ang nasa larawan na natutulog sa bangketa katabi ang mga paninda niyang saging. Marahil nakatulog ito sa pagsusumikap na makapagtinda. Masasabing kahanga-hanga ang paghahanap-buhay ni lolo sa kabila ng katandaan. 

Source: Jeff Garcia/facebook


Subalit labis naman na nakakaawa ang sitwasyon ng matanda. Sa edad niya ay dapat inaalagaan at nasa bahay na lamang siya. Gayunpaman hindi natin alam kong ano ang tunay na sitwasyon ng pamilya niya. Pero ang tingin ng netizen ay tila nag-iisa na lamang ito sa buhay o baka naman ay pinapabayaan na lamang ng kapamilya katulad sa ibang matatanda na inabandona na ng sariling pamilya. 

Source: Jeff Garcia/facebook

Samantala, may mga netizen naman na nais tumulong sa matanda. Nakakaawa man ngunit nakakabilib pa rin si lolo dahil sa kabila ng katandaan niya ay patuloy pa rin siyang nakikipagsapalaran sa buhay. Bilang isang tao na may edad na ay responsibilidad din ito ng bansa upang mabigyan sila ng maayos na kanlungan. Sana mabigyan pansin ito ng kinauukulan dahil labis na nakakaawa naman talaga ang kalagayan ni lolo. 

Source: Jeff Garcia/facebook

Ang larawan ng matanda ay isang patunay na marami pa rin sa atin ang dumaranas ng kahirapan sa buhay. Sana ay lubusan ng maisagawa ng ahensya ng gobyerno ang programa para sa mga senior citizen na katulad kay lolo.