Kit Thompson malaya na matapos mag-bail sa kas0ng pam-bubugbug

Kit Thompson malaya na matapos mag-bail sa kas0ng pam-bubugbug

“He was released in good physical condition. He bailed for 72,000.”– Chief Lt. Col. Rolando Baula Tagaytay police. 

Matapos nga ang tatlong araw ng pagka-detainee ng kapamilya actor na si Kit Thompson ay pansamantalang nakalaya ito. Sinundo ng kanyang ina ang actor at nag bail ng 72,000 pesos. Nahaharap sa kasong pambubugbug ang actor sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni. 

Patuloy pa rin na kahaharapin ni Thompson ang kaso sa paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act. 

Source: filipinotimes.net

Matatandaan na inaresto ang actor noong Marso 18, 2022 sa Amega Hotel Tagaytay City kung saan ni-rescue din ng Tagaytay police ang bugbug saradong girlfriend ni Kit na si Ana Jalandoni dahil diumano sa selos kaya niya nagawa iyon sa babae. 

Gayunpaman, ay itutuloy ni Jalandoni ang kaso niya sa actor. Pinagbubura din ni Jalandoni ang mga larawan ni Thompson sa kanyang social media account na nagpapahiwatig na hindi aatras ang actress sa laban na ito. Hayagan din ang suporta ng grupong Gabriela at kinundena din ng ilang babaeng celebrity ang ginawa ni Thompson. Natataon pa naman sa World Women’s Month. 

Source: mb.com 

Sa ngayon, ay wala pang pahayag ang actor sa nasabing isyu. Si Kit ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother at ngayon ay under na ito ng isang talent agency. Nagbigay naman ng mensahe ang Cornerstone Entertainment kay Jalandoni na hindi nila hahayaang may ganoong gawain ang mga talent nila. At nagpakita din sila ng suporta kay nito. 

Source: rappler.com


Labis-labis din ang panggagalaiti sa galit ng netizens sa ginawa ng actor. Kahit ano pa man daw ang nagawa ni Ana ay hindi iyon sapat na dahilan na bugbugin niya ito dahil wala naman daw kalaban laban ang babae sa laki ng pangangatawa  niya. Binatikos at umani ng maaanghang na salita ang actor sa mga netizen.