Kris Aquino sumabak sa Tarlac upang suportahan ang rally ni VP Leni

Kris Aquino sumabak sa Tarlac upang suportahan ang rally ni VP Leni

Sa kabila nga ng kalagayan ng kalusugan ni Kris ay ginulat ng Queen of all Media ang madla sa kanyang pagpapakita sa rally. At ngayon ay nagdulot ng kontrobersiya at muli na namang nag-ingay ang tv-host/actress. Kasunod ng maikling speech ay may mga pasaring si Kris na sinabayan naman ito ni Angel Locsin. 

Bati ni Angel sa audience: “Kahit umuulan, uma-attend (kayo). Rain or shine, walang excuse, lumalabas. ‘Yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?”

“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang,” dagdag ni Angel.

“Gel, pinatatamaan mo yata ako diyan. Aray. Ouch,” hirit naman ni Kris.

“Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni,” paliwanag naman ng aktres.

“Hindi, ‘yung sinabi mo, may karelasyon,” pagkaklaro ni Kris.

“Nandito ba siya?” tanong naman ni Angel.

“Yung isa nasa Uniteam, ‘yung ex,” sey uli ni Kris. “O, wag niyo iboto ‘yun, ha. Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please.”

“Baka may masabi akong masama tungkol dun sa isa pa,” dagdag ni Kris na ang pinatatamaan naman ay si Robin Padilla, na tumatakbo ring senador.

Source: inquirer.net

Kahit hindi pinangalanan ni Kris ang kandidato ay halata naman na si Herbert Bautista ang pinatatamaan niya. Kasapi si Herbert ng UniTeam. At ang isa pa ay si Robin Padilla. Na parehong naging ex-boyfriend ni Kris. 

At dahil nga dito ay may pasaring din si Ruffa Gutierrez na girlfriend ngayon ni Herbert Bautista. 

“Good morning beautiful people. Be kind to everyone including your ex. – Ruffa Gutierrez. 

Source: philnews.ph 

Samo’t-saring komento naman ang natanggap ni Kris galing sa mga netizen, mayroong bumilib, mayroon ding naawa at kumutya sa pagharap niya sa tao. Makikita rin ang labis na pagpayat ni Kris. Ilang linggo lang ang nakaraan ay naging usap-usapan ang bawal na red heart emoji sa mga post ni Kris na umani rin ng batikos