Sa halagang 31 pesos ay nagsusumikap mamuhay ang isang matandang lalaki

Sa halagang 31 pesos ay nagsusumikap mamuhay ang isang matandang lalaki


Tunay nga na dahil sa social media ay marami na ang natulungan. May dulot man na negatibong epekto ang socmed, mayroon din naman itong positibong tulong upang maibahagi ang mga balita at pangyayari sa buong mundo sa napakadaling paraan. Isang patunay dito ang post ng netizen na naging daan upang makatulong sa kapwa. 

Bangkok, Thailand. Napadaan ang isang netizen sa pwesto ng lugawan ng isang 78 years old na lalaki. Medyo nakukuba na ito at nagtitinda ng lugaw. Katabi ng lugawan ay ang tirahan ng matanda na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kawayan at tarpulin. 

📸 Max Udomsak

Mag-isa na lamang nanirahan ang matanda dahil ilang taon na rin daw nawala ang asawa at dalawang anak nito. Halos kumikita lamang ng isang bowl kada araw ang matanda sa halagang 20 baht o 31 pesos. Marahil sa plain lamang ang lugaw niya at sa pwesto na rin na hindi kagandahan. Iyon na rin ang nagiging pagkain ng matanda. Dahil sa kakulangan ng kita ay hindi na rin makabili ng pansariling pangangailangan ang matanda. Wala na rin siyang ibang maasahan kaya pilit siyang nagsusumikap maitawid lang ang sarili sa araw-araw. 

📸 Max Udomsak


Labis naawa ang netizen na si Max Udomsak kaya kinuhanan niya ito ng larawan at ibinahagi sa social media. Umani ng pakikisimpatya at may mga sumuporta pinansyal na mga netizen. Ang iba ay nagtulong-tulong na maiayos ang pwesto ng matanda. 

Umaasa ang netizen na sa kaunting tulong ay kahit papaano ay lumaki ang kita ng matanda at mas makatulong pa para sa kanyang sarili. 

📸 Max Udomsak


Sa simpleng pag-post lamang ng netizen ay may buhay siyang nabago kahit papaano. Ito dapat ang maging gampanan ng social media sa ating henerasyon ngayon. Ang makapagbigay impormasyon at tulong. Gamitin sana sa maayos na paraan ang socmed upang hindi na makadagdag sa kaguluhan ng mundo.