Juliana, balak kasuhan ang nagpapakalat sa ut4ng niya na P300k

Juliana, balak kasuhan ang nagpapakalat sa ut4ng niya na P300k

Tyrone James Ortega o mas kilala bilang Juliana Parizcova Segovia. Naging grand winner sa isang patimpalak ng It’s Showtime. Naging matunog hanggang sa ngayon ang pangalan niya dahil sa mga content laban kay VP Leni. 

Source: mb.com.ph 

Labis na umalma dahil sa taong nagpakalat ng kanyang utang sa social media at dinamay pa ang kanyang ina. Hindi naman itinanggi ng komedyante ang utang niya noon pang 2021 dahil sa kawalan ng trabaho ng dahil sa p4ndemya. 

“Ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho.

Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po. Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng p4ndemya,” paliwanag niya.

Sa kabila ng todo suporta at pagsanib niya sa UniTeam ay hindi naman daw iyon ang dahilan kong bakit unti-unti siyang nakabayad ng kanyang utang. Nasa ilalim ng Viva Entertainment ang career ni Juliana sa kasalukuyan. 

Source: ent.abs-cbn.com 


“Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa Uniteam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin idedeny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ay derechong nakabawas sa lahat ng mga ito,” aniya.

Hindi rin niya matanggap na pati ang ina niya ay dinamay pa ng taong nagpakalat ng larawan at convo nila sa social media. Ito raw ay matibay na paninira sa kanya dahil sa magkaiba sila ng political views. 

Source: pep.ph

“Kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti, dahil hindi kayang tapatan ng content ang content ng kaibigang minsang naging mabuting tao sa kanila at nagkataon lamang na magkaiba ang pulitikal na desisyon,” aniya na idinagdag na kakasuhan niya ang mga taong nagpakalat ng mga nasabing larawan at convo.

Dagdag pa ni Juliana. “Ako po ay Nagtatrabaho. Ako po ay Pilipino, may Kalayaan at Karapatan at hindi kayang sirain ng mga hakbang ng mga taong matagal nang sinira ang kanilang sarili, sa ngalan ng inggit, galit at kawalan ng batong maipukol sa gusto nilang masaktan.”