Wilma Doesnt sa wakas ikinasal na

Wilma Doesnt sa wakas ikinasal na


“Finally, may maganda na kaming picture together na hindi ako basa! May mailalagay na ako sa wallet ko. 15 years ang hinintay ko para sa [picture] na ito. Salamat sa lahat ng tumulong sa amin.”
– Wilma Doesnt

July 10, 2021 na engaged si Wilma sa kanyang long time partner non-showbiz na si Gerick Livelo Parin. At March 24, 2022 at ikinasal sila sa isang garden wedding sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay. 

Source: pep.ph

Ibinahagi rin ni Wilma ang pre-nup photo shoot nila sa kanyang instagram. Soot ng bride ang wedding gown na gawa ni Randy Ortiz. Matagal na rin ang kanilang relasyon, kasama ang tatlong anak ni Wilma na sina Asiana, Emilia at Aragon mula sa mga dating nakarelasyon nito. Hindi pa rin talaga nawala ang pagka komedyante ni Wilma kahit pa sa wedding preparation nila. 

Wilma Lynn Doesnt sa tunay na buhay, pinalaki lamang ng poster parents. Ang ama niya ay isang amerikano. Kasama niya lumaki ang mga 11 na kapatid. Nag-umpisa siya bilang model noong mid 90’s at tuluyang pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz. 

Source: starcinema.abs-cbn.com

Agad napansin si Wilma dahil sa kanyang natatanging hitsura at balat. Pumatok siya bilang komedyante sa mga serye, weekly shows at pelikula ng Star Cinema. Naging mainstay rin siya sa iilang sitcom ng ABS-CBN. 

Samantala, sa huling panayam niya sa Magandang Buhay ay inamin niya na dumaan siya sa hirap at financial crisis bilang single mom. Ngunit hindi nagpatinag si Wilma at nagpatuloy sa buhay. Hindi man siya aktibo ngayon sa telebisyon ay patuloy pa rin ang kanyang modelling career. 

Source: Wilma Doesnt instagram 

Payo din niya na huwag sumuko sa larangan ng pag-ibig dahil darating talaga ang para sa iyo. Kagaya sa sinasabi sa bawat komedyante na sa likod ng tuwa at saya ay may mga malulungkot din na pinagdadaanan sila. 

Masasabing matagal na nga ito si Wilma sa showbiz, ngunit sa kabila ng lahat ay positibo na may halong ngiti pa rin na sinasalubong ang bawat umaga sa kanyang buhay, lalo pa ngayon na may sariling pamilya na siya na maituturing.