Donnalyn Bartolome, humagulgol sa isang unboxing video ng mga gamit mula sa kanyang ex-boyfriend

Donnalyn Bartolome, humagulgol sa isang unboxing video ng mga gamit mula sa kanyang ex-boyfriend

Nag-trending sa YouTube ang unboxing video ni Donnalyn Bartolome nang balikan niya ang mga gamit na ibinalik sa kanya ng kanyang long-term ex-boyfriend.

Si Donnalyn Bartolome ay isang Viva artist na lumabas sa mga pelikulang Cry No Fear at Jacqueline Comes Home: The Chiong Story. Nakapag-record din siya ng kanyang kanta tulad ng “Happy Breakup”.

Sa kanyang video na MY EX RETURNED ALL MY STUFF (Unboxing: Araw ng patay kong puso special) na kanyang pi-nost noong November 1, maluhang inamin ni Donnalyn na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend matapos ang limang taon na pagsasama.

Hindi -pinangalanan ni Donnalyn ang lalaki at tinago ito sa pangalang Dex, in short for Donnalyn’s ex.

It’s my first time being open about my broken heart by unboxing things my ex returned to me on the day of the dead…a day for my now seems lifeless heart.” Panguna ni Donnalyn sa description ng kanyang video.

Umabot ang unboxing video sa mahigit 6M views.

Patawang umiiyak sa video si Donnalyn nang makita niya ang mga bagong underwear na binili ni Dex para sa kanya.

Isa raw itong inside joke para sa dating magkasintahan dahil alam ni Dex na ayaw ni Donnalyn ng mga local brand na panty.

Sabi ko, ayoko ng local brand na panty. Gusto ko ng mga sexy na panty. Binilhan pa rin niya ako ng ganito! Pinapaiyak niya ako siguro. Wala namang ganunan, ilang beses mo na ako pinaiyak…” kwento niya.

Kumakain din si Donnalyn ng isang broken-hearted shaped cake habang inaalala ang kaniyang ex-boyfriend.

Ayon kay Donnalyn, anim na buwan na ang nakalipas nang maghiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend. Hindi niya ito pinagsabi sa maraming tao dahil alam niyang may mga kanya-kanyang pinagdadaanan ang kanyang mga kaibigan.

Kwento pa ng dalaga, hindi raw sila tama para sa isa’t isa.

We can’t be who we are to each other. We always tiptoe around other…We hurt each other without meaning to.”

Matagal na ring on and off ang relasyon nilang dalawa ni Dex.

Pinaalalahanan din ni Donnalyn na huwag agad husgahan ng mga tao si Dex dahil sa kanilang paghihiwalay.

Don’t think the masamang tao siya. It’s just that our relationship is so complicated. We tried several times. Every time naman, I feel that I’m loved better.”

Pero para kay Donnalyn, mas mabigat ang kasiyahan nilang dalawa kaysa sa kanilang relasyon. “I realized kasi na there are things in my life that’s not just fit sa life niya. We tried to make it work so hard, but we just ended up hurting each other.”

Sinabi rin ni Donnalyn na siya ang nag-initiate sa hiwalayan nila ni Dex. “We love each other, but we’re not right for each other. I feel like it’s much harder to let go…Letting go of the hope that you two are right for each other is so difficult.”

Binalik na niya lahat ng gamit ko. Ready na siya mag-move on, samantalang ako di ko pa naempake mga gamit niya na andiyan…Wala na, di na ako mahal,” dagdag pa ni Donnalyn.