‘We loved each other so much’: Derek Ramsay binalikan ang kanyang nakaraang relasyon kay Angelica Panganiban

‘We loved each other so much’: Derek Ramsay binalikan ang kanyang nakaraang relasyon kay Angelica Panganiban

Matapos ang halos isang dekada simula ng mapait na paghihiwalay ni Derek Ramsay at Angelica Panganiban, ngayon na lamang nakapagsalita ang aktor sa kanyang karanasan sa halos anim na taong relasyon niya sa aktres.

Nagsimulang maging magkasintahan ang dalawa noong 2006 at naging live-in partners hanggang naghiwalay si Ramsay at Panganiban noong 2012.

Sa bagong interview ni Ramsay sa MEGA, inilantad ng aktor ang masasayang ala-ala niya sa kanilang relasyon. Ayon sa aktor, puno ng mga masasayang moments ang pagsasama nilang dalawa ni Panganiban.

We were introduced and we’re from totally different worlds,” ang kwento ni Ramsay. “And I guess that was what drew me to her. I was like, ‘Wow, this is something new! And this is something I’ve never experienced!’ And we have a lot of great memories. We traveled the world together.”

Nang magkakilala ang dalawa, kakasimula pa lamang ni Ramsay sa kanyang acting career noong 2005. Habang si Panganiban naman ay beterano na sa kanyang larangan simula pa noong siya ay isang child star.

Binanggit ni Ramsay na sa pangalawang taon ng kanilang relasyon, pumayag ang dalawa na maging magka-live in.

Did we ever really get serious about talking about marriage? We brought it up,” dagdag ng aktor. “But we never reached that point. But yes, we loved each other.”

Naunang pumutok ang balita na hiwalay na ang dalawa noong 2012. Tinangging kumpirmahin ng kampo ni Ramsay ang mga sabi-sabi noon at tinawag lamang itong “cool-off” bago inamin ang paghihiwalay noong May 2012.

Ani ni Ramsay, masyadong minahal nila ang isa’t isa na noong panahon ng kanilang paghihiwalay, hindi nila naiwasan na magbitiw ng mga masasakit na salita. Sinabi rin ng aktor na mayroong mga naisumbat si Panganiban na naging masakit para sa kanya.

With Angelica, I guess we loved each other so much that when the breakup happened, and you’re hurt or you’re angry…You should be able to control that anger.

Because a lot of things that maybe you don’t mean were said, that can really hurt your partner. Ang the stuff that was said about me really, really hurt me. But again, I guess what I learned is you just have to be understanding that you’re two different people. And you handle things differently,” ang pagpapaliwanag ni Ramsay.

Kung aalahanin ang mga interview na ginawa ni Panganiban, ibinunyag ni Panganiban na nag-break sila sa isang tawag noong February 2012 dahil sa patong-patong na problema sa kanilang relasyon.

Ayon kay Panganiban, mayroong tatlong malalaking dahilan kung bakit niya napagdesisyunan na hiwalayan ang aktor. Ito raw ay ang pagiging “controlling” ni Ramsay bilang isang partner, ang hindi niya pagsuporta sa nais ng aktres na hanapin ang kanyang tunay na ama, at ang nakaraang kasal ng aktor kay Mary Christine Jolly noong 2002.

Matatandaan na unang lumabas sa media ang kasal ni Ramsay kay Jolly noong 2011. Noong 2014 naman ay lumabas sa publiko si Jolly upang humingi ng tulong pinansyal para sa kanyang anak kay Ramsay.

Para kay Ramsay, ang pagiging mapag-unawa ang naging leksyon sa kanya. “Angelica taught me so much. She’s a very strong woman. She went through a lot in her life. Being in showbiz at such a young age, being the breadwinner. I admired that about here, bata pa lang she supported na her family. So that was something that really attracted me to her.”