Heart Evangelista, ipinaliwanag kung bakit hindi na siya nagiging selosa

Heart Evangelista, ipinaliwanag kung bakit hindi na siya nagiging selosa

Advice ni Heart Evangelista, “hindi nakakaganda” ang pagiging masyadong selosa.

Sa unang pagkakataon, inanyayahan ni Maja Salvador si Heart Evangelista sa kanyang YouTube vlog kung saan nag-usap ang dalawa tungkol sa buhay pag-ibig.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-13-1024x573.png

Pagdating sa pagseselos, tinanong ni Salvador si Heart kung mayroon ba siyang payo kung papaano iwasan maging sobrang selosa sa kanilang partner.

Ayon kay Heart, personal niyang naranasan ang pagiging sobrang selosa lalo na at nasa industriya siya ng showbiz. “Nung mas bata ako, medyo sensitive ako. Especially kasi artista tayo, so parang you’re legally cheating on each other by kissing other people, ‘di ba?

Mahirap siyang intindihin. But nung tumagal, parang naisip ko na tatanda ako kakaselo. Hindi siya nakakaganda,” ang biro ni Evangelista.

Kinuwento rin ng aktres ang kanyang nakaraang relasyon kay John Prats.

Nung bagets ako, nung MU-MU pa with John Prats, ganyan, super habol ako. Mukha akong ewan. Ang pangit-pangit ko tuloy tignan.”

Para kay Heart Evangelista, parte sa isang relasyon ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili. Hindi raw dapat itong isakripisyo lalo na kung hindi pantay ang dynamic ng dalawang tao sa isang relasyon.

Kahit gaano kaganda ang babae, kapag wala siyang self-worth or habol siya nang habol, alam mong lagi lang siya nandiyan, ite-take mo for granted. Until one day, sabi ko, I think I’m gonna sit still, hayaan ko sila magkagulo and magmamaganda lang ako.”

Parehas namang sinang-ayunan ni Evangelista at Salvador na ang pagseselos ay depende rin sa partner ng isang tao.

Ako rin, I am with somebody who is mature, who is very wise. Parang it’s all about reassurance. Wala akong selos, selos,” ang kwento ni Heart na may pagtukoy sa kanyang asawa na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Inamin din ni Evangelista na mas naging kumplikado ang kanyang situwasyon dahil dating kasal at may anak si Chiz.

Ako, mas complicated ako kasi he was married before. He has two kids so it’s really hard to understand especially napaka-immature ko noon. Pero ngayon, I feel na I’m different and mas nakakaganda talaga yung confident ka.”

Nang tanungin ni Salvador si Evangelista kung mayroon siyang payo para sa mga taong nag-ooverthink, ibinahagi ni Heart ang kanyang karanasan at kung papaano niya ito nilalampasan.

Grabe ako mag-overthink. Grabe rin yung anxiety ko. Lately, kalma na ako. It’s all about ano naman din —minsan kapag gabi, huwag ka mag-social media kasi yung output ng lahat ng tao, kahit hindi mo nada-digest, unconsciously, pumapasok siya sa utak mo. So nagiging busy yung utak mo.”

Nagiging habit na rin ng aktres na magbasa ng daily devotionals pampakalma. Maganda rin na dapat piliin ang mga tao na nasa buhay mo. “Surround yourself with good people kasi natatanggal nila yung utak mo sa issue.”

Pagdating sa pagmamahal, naniniwala si Heart Evangelista na natural na masaktan sa isang relasyon.

Kasama nay un dun. But at the same time, hindi lang din naman siya sakit. Masaya din naman siya. Masakit siya because may mga kailangan kang aralin sa sarili mo na ‘Babaguhin ko ba ito? Ano bang gusto ko? Kaya ko ba i-take ito? Barometer ang love,” ang pagpapaliwanag ng aktres.