Vico Sotto, pinangalanan bilang “Anticorruption Champion” ng US State Department

Vico Sotto, pinangalanan bilang “Anticorruption Champion” ng US State Department

Pinangalanan ng United State Department si Pasig City Mayor Vico Sotto bilang isa sa mga Anticorruption Champions ng buong mundo.

Ang 31-taon na mayor ay isa sa doseng indibidwal na pinarangalan ng International Anticorruption Champions Award na ibinigay ng Secretary of State Antony Blinken upang magbigay rekognisyon sa mga indibidwal na nagpakita ng liderato, tapang, at kunkretong aksyon laban sa pag-iwas, paglantad, at paglaban sa korapsyon.

This image has an empty alt attribute; its file name is download-10.jpg

Sa isang statement na inilabas ng US State Department:

Mayor Sotto is a standard-bearer for a new generation of Philippine politicians who prioritize anticorruption and transparency initiatives in their election campaigns and in office. He established an information and complaints hotline, formally involved civil society organizations in the city’s budgeting and policy making, and mandated a decrease in the value of all city government contracts to reduce bribery in contract awarding process.”

Pinuri din ng Embassy Charge d’Affaires John Law si Mayor Sotto sa kanyang mga nagawa. Inalala rin ng Law na tumira ang Pasig City mayor sa Iowa ng isang buwan bilang parte ng US-sponsored Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) Professional Fellows Program noong 2018, isang taon bago siya tumakbo bilang mayor sa Pasig.

Ang sabi ni Embassy Charge d’Affaires John Law, “I am especially proud that the Mayor was able to use his participation in a YSEALI Professional Fellows Program in Iowa to help advance transparency initiatives here in the Philippines.”

Today’s award recognizes Mayor Sotto’s early work to bring more transparent and open government to the citizens of Pasig,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman ni Vico Sotto ang US Department of State sa parangal sa isang social media post. Ayon kay Sotto, ang rekognisyon na ibinigay sa kanya ng USDS ay isang hakbang upang magbigay ng kamalayan sa mga Pilipino pagdating sa pagsugpo ng korapsyon.

Sa kanyang Tweet:

Thank you to the U.S. Department of State for this recognition. But more than the recognition, I hope this helps raise awareness. If we want better long-term governance, we need to fight corruption. We have to denormalize it, get it out of our culture.”

Unang pumasok sa pulitika si Vico Sotto bilang city councilor ng Pasig noong 2016. Tumakbo siya bilang mayor noong 2019 at tinalo ang pamilyang Eusebio na halos tatlong dekada nang baluwarte ng pamilya ang Pasig.

Ayon sa agency ng United States, ang mga polisiya ni Sotto bilang dating city councilor ay nagresulta sa kalayaan ng impormasyon kung saan malayang makakakuha ng impormasyon ang mga residente ng Pasig nang walang anumang eksplanasyon.

Bilang mayor, nangako si Sotto na labanan ang mga kickbacks sa pagbibigay ng kontrata sa gobyerno. Nag-implementa rin ang mayor ng 24/7 public information and complaints hotline.

Kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto sa 11 pang mga anticorruption champions. Ayon sa US State Department, “The State Department continues to stand by citizes around the world calling for transparent, accountable governments. We proudly recognize these international champions of anticorruption and all those who have taken a stand against corruption.”