BEA ALONZO, NAGSALITA NA TUNGKOL SA ‘REAL SCORE’ NILA NI DOMINIC ROQUE

BEA ALONZO, NAGSALITA NA TUNGKOL SA ‘REAL SCORE’ NILA NI DOMINIC ROQUE

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang aktres na si Bea Alonzo sa tunay na namamagitan sa kanila ng aktor na Dominic Roque.

Sa isang exclusive interview sa kanya ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment, isa ito sa mga bagay na isiniwalat ng aktres.

Nang tanungin kung ‘exclusively dating’ na ba silang dalawa, ito ang naging tugon niya.

No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating.’”

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.”

Ang isa pang ipinagdiinan ng aktres ay ang pagtawag nito ng “good guy” kay Dominic.

Nang tanungin siya kung masasabi ba niyang in love siya ngayon, ito lang ang naging sagot niya.

That’s such a big word! I don’t know. But I’ll tell you when I get there.”

Medyo matagal na ring usap-usapan ang namamagitan sa pagitan nina Bea at Dominic.

Ngunit dahil wala namang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanilang dalawa, ang lahat ay nanatiling espekulasyon lamang.

Mas lalong umugong ang espekulasyon ng mga fans nang mapansin ng mga ito ang tila pagkakahawig ng mga social media posts ng dalawa.

Sa magkahiwalay na posts ng dalawa, tila nahulaan ng mga followers nila na magkasama sila sa isang date noong January.

Bagama’t hindi sila magkasama sa larawan, agad na napansin ng mga netizens na tila nasa parehong lugar ang dalawa base sa background ng mga larawan na ipinost nila sa Instagram.

Gayundin ang sinasabing get-away nila sa Amanpulo noong February.

Marami ang agad nakapansin sa mga post nilang dalawa na tila nasa parehong lugar sila sa magkahiwalay nilang posts.

Bagama’t may bulung-bulungan tungkol sa sinasabing espesyal nilang relasyon, nanatiling tikom ang kanilang bibig tungkol dito.

Kaya naman maraming fans ang natuwa sa naging rebelasyon ni Bea sa kanyang latest interview.

As of this writing, wala pang pahayag mula kay Dominic hinggil sa isiniwalat ni Bea sa nasabing interview.