PAGTAWAG NG ‘BABY’ SA ISANG BINATILYO, NAUWI SA R@MBULAN

PAGTAWAG NG ‘BABY’ SA ISANG BINATILYO, NAUWI SA R@MBULAN

Viral ang isang video sa Facebook kung saan makikita ang isang rambulan sa pagitan ng pamilya ng isang lalaki at ng isang b@ding.

Ang r@mbulan ay nag-ugat lamang umano nang tawagin ng b@ding na ‘baby’ ang lalaki na isa lamang palang menor-de-edad.

Ayon sa nanay ng lalaki na mapapanood sa video, nabastos ang anak niya dahil sa ginawang paninitsit at pagtawag dito ng ‘baby’ kung kaya naman galit na galit siya.

(Panoorin ang buong video dito.)

Ikinuwento naman ni Rose Mendoza sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post ang nangyari sa kapatid niya – ang b@ding na pinagtulungang bug-bugin sa video.

Ayon sa kanya, inaamin ng kanyang kapatid ang pagkakamali nito sa pagtawag ng ‘baby’ sa isang lalaking dumaan lamang sa kanilang bakuran.

Ngunit hindi umano niya inakala na dahil lang sa isang simpleng pagkakamali ay mauuwi ito sa pisikalang away sa pagitan ng kanilang pamilya at ng pamilya ng lalaki.

“May mali kapatid ko na bakla sige dahil sa pagtawag niya na “baby” sa lalaking naka puti na nakasando. At hindi siya sinapak ng kapatid kong lalaki.”

“Nitong hapon nakatambay mga kapatid ko sa labas. Nakain sila ng mangga. Dumaan daw itong lalaki nakasando habang nagkakasiyahan sila sa labas.

“Tapos tinawag ng kapatid kong bakla naka-sando na blue na “baby” yang lalaki nakasandong white. Bumalik, at pagkabalik inaambahan na kapatid kong b@kla. Kesyo

nahaharass na daw siya. Tapos nakita ng kapatid kong lalaki na innambahan si b@kla kaya si tinulak nito.

“Ngayon, pinuntahan namin sa baba at humihingin pasensya magulang ko sa nangyari. Kung gusto nio ipa barangay sige ipabarangay kako nila. Pero ayan paglipas ng ilang minuto bumalik at nag sisisigaw na sa harapan namin. At gustong basagin muka ng kapatid ko ng pamilya niyang naka cap na black. Naka gray na damit na babae. Naka dilaw na dalaga babae at naka sando na lalaki.

“Nanjan lahat ng ibidensya sa ginawa niyo sa pamilya ko. Hindi lumaban kapatid kong bakla sa ginawa nio. Dahil alam namin maagrabyado kami dahil lalaki padin siya. Pero yung pagtulungan niyo. Itulak niyo nanay ko. Sabunutan mga kapatid ko nasaktan niyo mga pamangkin ko nasaktan niyo+ at halos gusto niyo basagin ang koche ko hindi makatarungan ginawa niyo.

“Di namin palalampasin to! Yung trauma na binigay niyo sa anak ko sa mga pamangkin ko mga hayooop kayo! Grabe ginawa niyo samin.

“Wala kami kasalanan sainyo! Ni hindi kami nakikihalubilo sa ibang tao!

Nakiusap pa kami sainyo na sa brgy. Nalang. Sasabihin nio may nang sisitsit daw na lalaki sa bahay namin sa babaeng naka dilaw. Eh puro kami babae sa bahay. Ang lalaki don kapatid ko lang na may anak at asawa tska yung mga pamangkin ko.

“Napaka galing niyo gumawa ng storya! Di namin kayo kilala. At wala kaming pakialam sainyo sa ginawa nio samin napaka niyo!! ? wala kaming laban sainyo puro lalake kayo.”

Samantala, hiningi na ng bading sa video na nakilalang si Jyro Baccay ang tulong kay Raffy Tulfo at ng radio program nito.

Ikinuwento niya ang buong pangyayari at inamin na rin ang kanyang mga kamalian.

Panoorin ang buong video rito.

Hati naman ang reksiyon ng mga netizens tungkol sa issue.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Catcalling is never okay. Mapa-babae man o lalaki, hindi talaga yan okay.”

Menor-de-edad pala yung lalaki at pakiramdam nya nabastos sya. Pero sana hindi naman binubog si ate.”

Ang arte naman. Akala mo kung sinong pogi.”

Ano bang masama sa pagtawag ng baby?”

Warfreak naman ng family nyan.”

Ano ba dapat ang itawag sa kanya? Baby damulag?”

Mali pa rin ang ginawa ng bading. Dun nagsimula ang lahat. Pero mali ding mambugbog.”

Nagpakumbaba na lang sana si ate. Nakahalukipkip pa ang kamay at nakaismid. Ayan tuloy.”

Maging aral sana ito sa lahat.”

Ikaw, anong opinion mo hinggil dito?