Lyka Gairanod: The Voice Kids Grand Winner Tinulungan ang isang Matanda

Lyka Gairanod: The Voice Kids Grand Winner Tinulungan ang isang Matanda

Lyka Gairanod tinulungan ang isang matandang nangangalakal ng basura na si Lola Ising. Matatandaan na bago naging grand winner noong 2014 at singer si Lyka ay nagmula ito sa mahirap na pamilya. Dati rin syang nangangalakal ng basura upang makatulong sa pamilya sa kabila sa murang edad neto.

Nabiyak diumano ang puso ng kapamilya singer nang makita nyang muli si Lola Ising habang naghahanap-buhay. At muling nanumbalik sa ala-ala nya nung bata pa sya ang ginagawang pangangalakal ng matanda.

Courtery Photo: Lyka Gairanod youtube

Na i post ng singer sa kanyang social media ang tungkol sa matanda. Agad naman syang tumugon at ipinahanap ang tahanan ni Lola Ising. Tinungo ng singer ang isang barangay sa Malabon at kinailangan pa nitong maglakad sa halos magkakadikit dikit na bahay sa lugar upang maiabot ang tulong nyang mga grocery items para sa matanda.

Muling nagtagpo ang landas ng dalawa. Sa kabila ng pagpapakilala ng dalaga sa matanda ay tila hindi na sya naalala nito. Gayunpaman, lubos ang pasasalamat ni Lola Ising sa pagbigay tulong ni Lyka. Ayun sa matanda, may dalawang anak ito at ang isa ay may karamdaman. Nabanggit din ng matanda na tila hindi na rin sya magtatagal sa mundo dahil sa hirap ng buhay at sa iniindang karamdaman.

Courtery Photo: Lyka Gairanod youtube

Mapapanood sa youtube channel ng singer ang madamdaming tagpo nila Lola Ising at Lyka. Kahit sa kabila ng sitwasyon ni Lola Ising ay napasaya at napangiti sya ni Lyka. Bagay na hindi matatawaran ng anuman.

Courtery Photo: Kapamilya world

Sana katulad ni Lyka ang mga kabataan ngayon. Ang pagtulong sa kapwa ay isang malaking bagay. Isang magandang halimbawa ang ginawa ng young singer sa mga millenials at pati na rin sa ibang tao. Ang kagandahang loob ng isang nilalang ay isang inspirasyon upang tayo ay makapagbahagi sa ating kapwa. Mabuhay ka Lyka!