CARLO AQUINO AT TRINA CANDAZA, INALMAHAN ANG B@SHER NG ANAK

CARLO AQUINO AT TRINA CANDAZA, INALMAHAN ANG B@SHER NG ANAK

Hindi inatrasan ng mag-asawang Carlo Aquino at Trina Candaza ang isang pagbabantang natanggap ng kanilang anak na si Enola Mithi.

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram (IG) stories, ibinahagi nila ang screenshot ng mensahe ng p@gbabanta ng isang netizen sa kanilang baby na pitong buwang gulang pa lamang.

Ang nasabing pagbabanta ay reply ng netizen sa isang larawan sa IG story na ibinahagi rin nilang mag-asawa.

Natiro ang magkakasunod na mensahe ng b@sher.

“Ansarap mo namang patying bata ka.”

“Mukha kang tutang ina.”

“Anak ka ng artista pero mukha mo parang tut@ng ina.”

“Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo.”

CARLO AQUINO’S IG STORY)

Hindi ito pinalampas ng aktor at nilagyan ng caption na:

“full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito. Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod niyo para gawin ito? Worth it ba?”

Ni-repost din ito ni Trina sa sariling IG account.

Ang sabi nito, “Nakakagalit. mga ganitong klase ng b@sher mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pag mumukha niyo.”

Hindi ito ang unang beses na nabiktima ng bashing ang anak ng isang showbiz couple.

Nitong nakaraan ay inatake rin ng basher ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude Trevor.

Inalmahan din ng nasabing showbiz couple ang negatibong komento tungkol sa kanilang anak.

Samantala, hindi naman pinalampas ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic ang nasabing insidente.

Star Magic talents sina Carlo, Janella, at Markus.

Narito ang full statement ng nasabing talent agency.

“Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media. Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa kapwa.

“Kasama kami ng aming artists sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal na ito.

“Hindi kami mag-aatubiling magsagawa ng ligal na aksyon upang mabigyan sila ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang naidulot.

STAR MAGIC